^

PSN Showbiz

Jimmy Bondoc humingi ng tawad, hinarana si Angel Locsin

Philstar.com
Jimmy Bondoc humingi ng tawad, hinarana si Angel Locsin
"[A]ng message ko lang is, kung ano man ‘yung personal na nasaktan sa kanya dun sa message ko at sa mga kapwa niyang artista, paumanhin po," sabi ni Jimmy.
Video grab mula sa Youtube channel ni Mocha Uson.

MANILA, Philippines — Humingi ng paumanhin ang mang-aawit na si Jimmy Bondoc sa nakaalitang si Angel Locsin matapos niyang sabihing nasasabik na siyang makitang maipasara ang "pinakamalaking istasyon ng telebisyon" sa bansa.

Sa panayam ng blogger na si Mocha Uson nitong Linggo, sinabi niyang wala siyang problema sa mga artistang nagtratrabaho sa ABS-CBN ngunit nagrereklamo lang daw sa sistema ng naturang network.

Una na niyang pinaratangan ang Kapamilya network na nakasalalay daw sa pulitika at sekswal na pabor ang pagtatagumpay doon.

"[A]ng message ko lang is, kung ano man ‘yung personal na nasaktan sa kanya dun sa message ko at sa mga kapwa niyang artista, paumanhin po," sabi ni Jimmy.

Aniya, gusto raw niya sanang makausap ng personal si Angel para mas magkaintindihan sila nang mas mahusay.

"Ayoko kasi ng diskusyon na hindi harapan… Hindi nakukuha ang buong side ni Ma’am Angel, at malamang hindi rin nakukuha ‘yung buong side ko," dagdag niya.

Nauwi naman sa pag-awit ng kanyang tanyag na awiting "Let Me Be The One" ang pagsuyo niya sa lead actress ng "The General's Daughter."

 

 

Matatandaang sinimulan ni Angel ang pagkastigo kay Jimmy gamit ang mga linya ng parehong kanta.

Sa Twitter post ni Angel, sinabi niya na maraming mawawalan ng trabaho kung mangyayari ang gusto ni Jimmy.

"Let me be the one to break this news to you so you don’t have to make excuses. The network might not be perfect but for you to be happy about thousands of people losing their jobs is pure evil," sabi ni Angel.

(Hayaan mo nang ako na ang magbalita sa'yo na 'di mo na kailangang magpalusot. Hindi perpekto ang istasyon, pero 'yung matutuwa ka kung mawawalan ng trabaho ang libu-libo ang sama lang.)

'Sana sagutin pa rin ang punto'

Sa kabila ng pagso-sorry ng singer, nanindigan siya na kinakailangang masagot ang mga nauna niyang isiniwalat.

"Sana, sagutin din nila ‘yung totoong point ng post, which is bakit meron tayong ganitong sistema ng kapangyarihan sa media na kahit ano yata pwede na nilang sabihin. Kahit sinong sagasaan, kahit sinong mawalan ng trabaho, hindi ko po maintindihan ‘yun," wika niya.

"Ma’am, ‘yun lang po yung point ko, ma’am. ‘Wag na kayong magalit sa akin ma’am. Talagang kawawa ako sa mga katulad ninyo, napakasikat ninyo, wala akong laban! Ako po’y hamak na government employee," sabi ni Bondoc na assistant vice president ng Philippine Amusement and Gaming Corp.

Matatandaang sinabi ni Angel na mas mainam na isumbong nila sa pulis ang mga pinararatangan nilang gumagawa ng sexual harassment kaysa lahatin na nababastos ang lahat ng sumisikat sa dos. 

"Nung sumikat ka ba may na experience ka na sexual harassment? If yes i encourage you and all the victims to report this to the police (Kung oo, inaanyayahan kita at ang lahat ng biktima na iulat 'to sa pulis). But generalizing that sexual favor is a prerequisite to success is just wrong (Pero para lahatin na kinakailangan ng sexual favor para sumikat, mali 'yan)," wika ni Angel. — James Relativo at may ulat mula kay Jan Milo Severo

vuukle comment

ABS-CBN

ANGEL LOCSON

JIMMY BONDOC

MOCHA USON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with