^

PSN Showbiz

Cory Aquino tumatak ang pagiging mabuting ina

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Cory Aquino tumatak ang pagiging mabuting ina
former Philippine President Cory Aquino

Pumasok sa isip ko si former Philippine President Cory Aquino noong Sabado.

Sinabi ko noon na emotional voter ako, political at walang alam sa issues.

I only vote ‘yung mga gusto ko at kilala ko. Hindi ko pinapansin ang platforms o ang mga kiyemeng pagbabago na sinasabi at ipinapangako na gagawin ng mga kandidato. Basta type ko, iboboto ko.

Noong panahon ng Martial Law, solid Marcos ako dahil kina Kitchie Benedicto at Manay Marichu Vera-Perez Maceda na very close sa Marcoses.

Wah ko type ang mga Aquino, wah ko type ang mga pagbabago na pralala nila.

Panahon ni President Cory nang pumasok si Kris Aquino sa showbiz kaya nagkaroon ako ng chance na makilala siya ng face-to-face, napuntahan ko ang Malacañang Palace at nakita ko nang malapitan ang seat of power.

Pinanood namin sa Malacañang Palace ang Pido Dida, ang unang pelikula ni Kris sa Regal Films noong 1990 at partner niya ang pumanaw na komedyante na si Rene Requiestas.

Bongga ang viewing ng Pido Dida dahil kasama namin na kumain ang nanay ni Kris na pangulo ng Pilipinas.

Dumadalo si Tita Cory sa mga happening sa Regal Films dahil imbitado siya ni Mother Lily Monteverde.

Hindi ko pinansin, napansin, inasahan, or ikinumpara sa mga nagawa ni President Ferdinand Marcos para sa bayan ang achievements ng Aquino administration.

Ang pagiging mother at lola ni Tita Cory ang napansin ko dahil kahit nasa pinakamataas at pinaka-makapangyarihan na puwesto siya, inaasikaso niya si Kris at ang kanyang mga apo kina Ballsy at Pinky.

Ang pagiging normal na nanay ni Tita Cory ang tumatak sa isip ko. Awesome dahil priority niya ang kanyang mga anak at apo.

Hindi puwede na maging sagabal ang kanyang duties bilang pangulo sa pagmamahal niya.

‘Yon ang mga nakita ko, ang pagiging tao ng isang pulitiko, hindi ang VAT, TRAIN Law o anupaman.

Sorry pero ito ako so kung ayaw n’yo ang mga gusto ko, okey lang. So gusto ko si Senator Bong Revilla dahil nakita ko rin ang  pagiging mabuti niya at not guilty ang desisyon ng Sandigan Bayan sa kaso niya.

Kung ayaw kay Bong ng ibang mga tao, mag-Budots dance na lang tayo.

Maine at Alden may sari-sariling mundo na

Natuwa ako sa balita ni Rams David na dalawang pelikula ang gagawin ni Maine Mendoza ngayong 2019.

Nakakatuwa dahil pareho na sila ni Alden Ri­chards na unting-unti na nakakatayo on their own at hindi umaasa sa AlDub combination nila.

Kapwa may mga may star quality, talented at professional sina Alden at Maine.

From the start, hindi si Maine ang tipo ng artista na type na gawin ang lahat kaya reluctant star ang tawag ko sa kanya noon.

Ang mundo lang ng Eat Bulaga ang gusto ni Maine at happy na siya na kasama ang Dabarkads. Hindi nagpapa-pressure, hindi nakikipagkumpitensiya at masaya lang si Maine sa mga ginagawa niya.

Si Alden, bread and butter ang showbiz. Gusto niya na matupad ang lahat ng kanyang mga pangarap kaya happy siya kapag marami ang trabaho.

Ngayong unti-unti nang nagkakaroon ng sariling mundo sina Maine at Alden, mahalin pa rin natin sila dahil talagang mga anak ng sining ang dalawa at mahal nila ang kanilang mga propesyon. Karapat-dapat talaga na maging idolo sila.

vuukle comment

CORY AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with