^

PSN Showbiz

Angel kinatatakutan ni Tirso pag nag-iiba ng anyo!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Angel kinatatakutan ni Tirso pag nag-iiba ng anyo!
Tirso at Angel

Kontrabida ang karakter na ginagampanan ni Tirso Cruz III sa tele­seryeng The General’s Daughter na pinagbibidahan ni Angel Locsin. Ayon sa aktor ay maraming nagagalit sa kanyang mga tagahanga ng dalaga kapag nakikita siya nang personal ng mga ito.

“Madalas maraming nagagalit na followers ni Angel. Minsan nakakatuwa sa mall, bigla-biglang may hahampas sa shoulder mo, sasabihin ‘Napakasalbahe mo.’ Tapos biglang sasabihin, ‘Pakuha nga ako ng picture.’ Sabi ko, ‘Oh bakit papakuha ka ng picture?’ Alam ko naman sa show lang ‘yon. So basically, it really warms my heart na nakakaapekto ako sa kanila,” nakangiting kwento ni Tirso.

Para sa beteranong aktor ay magaling na artista talaga si Angel at ramdam niya ito sa mga eksena na kanilang ginagawa. “Si Angel nakakatakot. I mean she evolves into something eh kapag papasok na siya sa character. Kasi usually naman pagdating sa set ako, I go out of my way. Pupunta ako sa tent niya, minsan I greet her. Minsan naaabutan ko ‘yan having lunch or dinner with other staff. She’s so lovable, she’s so sweet. She looks after everybody,” paglalarawan ni Tirso kay Angel.

“Kapag trabaho na talagang nag-iiba siya. Nag-iiba din ‘yung character niya right before your eyes. Nagta-transform siya into Rhian (karakter ni Angel sa serye). Then after that biglang pag-turn, si Angel na naman,” dagdag pa ng aktor.

Ara nanghihinayang kina JM at Barbie

Kamakailan ay nabanggit ni Barbie Imperial sa isang pahayag na may pelikula sila dapat na gagawin ni JM de Guzman pero hindi pa kayang tanggapin ng aktres ang proyekto. Si Ara Mina at ang dating kasintahan na si Patrick Meneses ang nagpaplanong mag-produce ng pelikulang pagtatambalan dapat ng dalawa. Hindi maayos ang paghihiwalay ng landas nina Barbie at JM na napabalitang nagkaroon umano ng espesyal na ugnayan noon.

“Kasi nga nila-lobby ko ‘yung movie nila for Cineko dahil maraming fans nila ang kinukulit ako. Kaso paano na magpi-pitch ng story, tapos kung ready na at na-approve na ‘yung story, hindi naman sila okay. So sabi ko paano kaya ‘yon? So naka-pending ‘yung project. Actually nanghihinayang ako sa kanila. Kasi ‘yung crowd and love team na na-create nila hindi rin basta-basta. Ang dami nilang fans and until now kinukulit pa rin nila ako na ituloy ‘yung project kasi sayang din talaga. Hindi kasi lahat ng love team nakakakuha ng gano’ng kalaking fans. I hope someday magiging maayos sila,” pagbabahagi ni Ara.

Naging malapit ang aktres kina Barbie at JM dahil nagkasama sila sa teleseryeng Araw-Gabi kung saan nagkamabutihan ang dalawa. Ayon kay Ara ay wala naman siyang kinampihan kina Barbie at JM sa naging alitan ng mga ito. “Gitna lang ako pero siyempre mas close ako kay Barbie. Mahirap naman kung mas close ako kay JM. Baka matsismis pa kami ni JM di ba? Pero I’m okay with JM also,” natatawang pahayag ni Ara.   (Reports from JCC)

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

TIRSO CRUZ III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with