^

PSN Showbiz

Eddie Garcia ayaw maghinay-hinay kahit 90 na

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Eddie Garcia ayaw maghinay-hinay kahit 90 na
Eddie Garcia

Numero lang ang edad

Walang ista-istasyon para kay Eddie Garcia na sa gulang na 90 years old ay aktibo pang humahataw sa kanyang pag-aartista. Nasa GMA-7 ito ngayon, matapos ang matagal niyang pangongontrabida sa ABS-CBN sa programang FPJ’s Ang Probinsyano at nakatakdang gumawa ng serye kasama ang mga kabataang artista na sina Gabbi Garcia at Thea Tolentino. Mahihinuhang mala-aksyon ang serye dahil direktor si Toto Natividad. Mapapasabak ba sa action ang dalawang kabataang aktres?

PBB housemates na mag-aaral ng Tagalog, madadagdagan pa

Madaragdagan pa ang mga taga-Pinoy Big Brother na mag-aaral magsalita ng Tagalog na tulad nina Fumiya Sankai (Japan) at Andre Brouillette (Hawaii) dahil siguradong sasama sa pag-aaral nila si Ashley del Mundo na siguradong balak ding mag-artista, kaso garil sa Tagalog. Nakasama sa PBB Teen Big 4 Otso ang kabataang lumaki sa Australia kasama sina Batit, Tan at Yen.

Mayor Isko may takot!

Nakaka-proud para sa isang taga-Quezon City na tulad ko ang ginawang paggi-guest ni Mayor Isko Moreno sa The Bottomline ni Boy Abunda nung Sabado, May 25, na kung saan ay inilahad niya ang marami niyang plano para sa lungsod ng Maynila. Walang pangimi niyang inamin na may takot siyang nadarama sa bago niyang tungkulin at hindi siya nahiyang hingin ang suporta ng mga Manilenyo para mapagtagumpayan ang mga ipinangako niya nung kampanya.

Sa lahat ng nakakakilala sa dating artista at nakakaalam ng naging journey niya patungo sa pagiging Mayor ng isang napakalaking lungsod, kapuri-puri na wala siyang inilaglag na tao na naging hadlang sa kanyang pangarap, bagkus pasasalamat sa mga nagpursige na mailuklok siya sa kanyang posisyon ngayon ang mas binigyan niya ng pagpapahalaga. Magsaya ka, Manilenyo, matapat, at nangakong hindi magko-corrupt ang bago niyong mayor.

Imbitahin din sana ng King of Talk sa programa niya ang bagong mayor ng Pasig na si Vico Sotto para mas makilala pa siya ng publiko. Tanging alam sa kanya ng netizen ay supling siya ng mga showbiz royalty.

vuukle comment

EDDIE GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with