^

PSN Showbiz

Liza gusto nang magkaanak!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Liza gusto nang magkaanak!

Habang nagkakagulo ang kampo ng loveteams dahil sa ginagawang paghihiwalay sa magkakapareha at pagtatambal sa kanila sa iba tulad nina Julia, Gerald, Kathryn, Alden, Nadine, Carlo, McCoy, Maris, Loisa at Vin, tanging ang kampo lamang ng LizQuen ang panatag dahil tinanggihan na ni Liza Soberano ang Darna dahil sa isang injury at wala sa movie si Enrique Gil. Wala pang follow up after this dahil nasa U.S. si Lisa at ipinagagamot ang nasabing injury niya. Ikinatutuwa pa ng fans ang diumano’y pahayag ni Liza na gusto niyang magkaanak bago siya mag-30 years old at syempre, inaasahan ng fans nila na si Enrique ang mapipili niya para maging ama ng magiging anak niya. Ilang taon na ba siya ngayon?

Fans ni Carlo kuntento na lang sa kanyang pagta-topless

Na-miss ba ng fans si Carlo Aquino dahil medyo nawala ito sa sirkulasyon nang hindi makaro’n ng katuparan ang dream ng followers nila na magkaroon sila ng balikan ni Angelica Panganiban, kung kaya ang simpleng pagta-topless ng aktor sa kanyang social media account ay agad nag-viral? Ganun na ba ka-cheap ang happiness ng fans, pang-itaas lang ng katawan ni Carlo ay kuntento na silang makita? Hindi bale sana kung nakakita sila ng butt o semblance man lamang ng frontal exposure para magkagulo sila pero, dibdib lang ay nataranta na sila?

Vance Larena sunud-sunod ang pelikula

Naiinip na marahil ang TRex Entertainment sa mabagal na pag-usad ng karera ni Vance Larena kung kaya tatlo-tatlong malalaking pelikula ang inihahanda nila para sa magaling na baguhan na nauna nang napansin sa Bakwit Boys, Liway, So Connected, Bar Boys at nasa TV rin sa pamamagitan ng Maala­ala Mo Kaya, Ipaglaban Mo at Nang Ngumiti Ang Langit. Ang mga pelikula ng TRex ay ididirek ng mga magagaling na direktor, tulad nina Andoy Ranay para sa Open, Mikhail Red sa Dead Kids at Brillante Mendoza sa Resbak. With Mendoza directing him, baka maka-penetrate pa siya sa international scene at matupad ang mithiin ng TRex para sa kanya.

Billy maluwag kay Coleen

Masuwerte si Coleen Garcia dahil kahit mag-asawa na sila ni Billy Crawford ay pinapayagan siya nitong mag-artista, at gumawa ng mga bagay na ikasisiya niya. Hindi rin ito mahigpit sa projects na tinatanggap niya. Matatandaan na mag-asawa na sila nang gawin niya ang napaka-seksing Sin Island kasama sina Xian Lim at Nathalie Hart. Isang pelikula naman ni Veronica Velasco ang gagawin niyang susunod. May pamagat itong Mia at makakatambal niya si Edgar Allan Guzman. Mapapanatag si Billy sa romcom na ito.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with