^

PSN Showbiz

Bird Hunt sa Palawan, tinutukan ni Atom

Pilipino Star Ngayon
Bird Hunt sa Palawan,  tinutukan ni Atom
Atom Araullo

MANILA, Philippines — Ngayong Linggo (May 26) sa The Atom Araullo Specials, samahan si Atom Araullo sa isa na namang environmental special tungkol sa endangered bird species.

Simbolo ang mga ibon ng kapayapaan at kalayaan. Pero ang buhay nila ngayon, malayo sa pagiging payapa at malaya. Nariyang hinuhuli sila, pinagkakakitaan, at minsan pa nga’y pinapatay.

May mahigit limang daang species ng ibon sa Pilipinas.  Ang ilang rare species ng ibon, matatagpuan sa Palawan, kabilang na ang napakakulay na tandikan o Palawan peacock pheasant.

Gayunpaman, ilang buwan na itong hindi nakikita sa wild. Ang pinakahuling namataang tandikan sa kagubatan ng Puerto Princesa, hahanapin ni Atom. At sa kanyang paghahagilap at pag-akyat sa nagtataasang mga puno, makikita ni Atom ang iba pang mga natatanging ibon ng Palawan.

Ngunit ang mga ibong ito ang siya ring target ng mga poacher. Ang bentahan kasi kada ibon sa merkado, umaabot ng libo-libong piso. Para maipuslit, at maipadala sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, umabot na sa puntong tinatago na ito maging sa salawal.

Ang Palawan hill mynah o kiyaw, mainit din sa mata ng mga poacher dahil sa kakayahan nitong manggaya ng boses ng tao. Pero ano kaya ang natural nitong tunog sa wild?

Sa mga kagubatan naman ng Mindanao naghahari ang pinakamalaking agila sa buong mundo—ang Philippine Eagle. Pero kahit sa sarili nilang teritoryo, ang mga hari ay tinutumba.

Kaugnay nito, natunton ng team ni Atom ang nakapatay sa noo’y apat na taong gulang na Philippine Eagle na si Kagsabua. Sa kauna-unahang pagkakataon matapos niyang makalaya mula sa pagkakakulong, isasalaysay ni Brian kung bakit binaril niya ang walang kalaban-labang agila.

Ang isa pa sa pinakamalaking problemang kinakaharap ng mga ibon ay ang pagkawala ng kanilang mga tahanan dahil sa pagmimina at pagkakalbo ng kagubatan.

Sanhi rin ito para maubos ang kanilang lahi. Katunayan, sa nakalipas na mga taon, inakalang tuluyan nang nag-extinct ang Mindanao Hornbill na kilala sa malaki nitong tuka.

Pero namataan ito ng grupo ni Atom, hindi lang sa kagubatan, maging sa labas ng isang bahay at nakakadena.

Ngayong Linggo, alamin kung bakit ang mga ibong ito ay hindi dapat hina-hunting, kinakalakal, at pinapatay—at sa halip ay kailangang hayaan silang maging malaya.

Huwag palampasin ang Bird Hunt sa The Atom Araullo Specials ngayong Linggo, 4:30 pm sa GMA-7.

vuukle comment

ATOM ARAULLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with