^

PSN Showbiz

Midterm elections, pinatunayang hindi nakabase sa pagiging sikat ang tagumpay!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Midterm elections, pinatunayang hindi nakabase sa pagiging sikat ang tagumpay!
Bong Revilla
Geremy Pintolo

Mea Culpa talaga dahil sa sinasabi ko lagi na hindi dapat pinag-aawayan ang politics, money and religion pero nangibabaw at nadala pa rin ako ng inis dahil sa mga bashing at paninira ng trolls kay Bong Revilla.

Sorry dahil hindi pa rin pala ako nakakapagpigil kapag sobra na ang mga nababasa ko pero natuwa ako sa naging resulta ng midterm elections noong May 13, 2019.

Isang malaking aral na nakita natin na natalo ang mga sikat at seasoned politician na parang mga sobrang kapal na pader na natibag at political dynasty na nawala sa isang iglap na malaking hamon sa mga bata na politician na nanalo.

Malaking aral na makita na in a snap of a finger, puwedeng mawala ang lahat kaya dapat na patunayan ng mga bata at bagong halal na magagampanan nila ang mga responsibilidad na ipinagkatiwala sa kanila ng publiko.

Na hindi sila dapat magpabaya sa trabaho at dapat talaga na gawin nila ang nararapat.

Ang resulta ng midterm polls ang pruweba na hindi lamang nakasalalay sa popularidad ng mga kandidato ang tagumpay nila.

Nanalo si Lito Lapid na senador pero natalo ang kanyang anak na si Mark Lapid na kumandidato na mayor ng Porac, Pampanga, kahit pareho sila na napanood sa sikat na television series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Dati-rati, mataas ang expectation sa mga endorser na artista pero number one party-list ang  ACT-CIS nina Raffy Tulfo at Niña Taduran na hindi naman inendorso ng popular stars.

Marami ang mga aral na ipinakita ng 2019 elections sa atin tulad ng pagkakaroon ni President Rodrigo Duterte ng sangkatutak na kritiko pero win ang lahat ng mga kandidato na ipinangampanya niya dahil sa kanyang performance bilang pangulo ng Pilipinas.

Tulad ng madalas na sabihin ko, one day lang ang eleksyon pero matagal ang epekto. Totoo na hindi dapat pag-awayan pero nakakasakit at may mga nasasaktan pa rin sa mga opinyon na below-the-belt.

Sana nga, maging maganda ang resulta para sa lahat ng katatapos na eleksyon at sana matuto ang ibang mga tao na igalang ang choices ng mga botante. Tanggapin nila nang maluwag sa dibdib ang resulta at mag-move on na sila, kahit ayaw nila sa mga nanalo.

Sikat na Korean  actor may presscon sa kapuso

May darating sa Pilipinas na Korean actor at magkakaroon ng meet-the-press para sa kanya ang GMA-7.

Bongga dahil makakaharap ng local entertainment press ng face-to-face ang Korean star na tinutukoy ko bago siya magkaroon ng fan meet sa New Frontier Theatre sa darating na Sabado, May 25, 2019.

At bongga ang GMA-7 dahil nagawa nilang papuntahin sa bansa natin si Seo Kang Jun bago ipalabas sa Kapuso Network ang Koreanovela na pinagbibidahan niya, ang Are You Human?

Napanood ko si Seo Kang Jun sa Cheese in the Trap kaya alam ko na cute din siya pero siyempre, hindi kasing-tindi ng love ko kay Jo Insung at Nam Joo Hyuk ang nararamdaman ko para sa kanya.

At dahil napanood ko si Seo Kang Jun sa Cheese in the Trap, type ko pa rin na makita siya in person at kahit slight ang interes ko sa kanya, aabangan ko pa rin ang pagbisita niya sa Kapuso Network. 

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with