^

PSN Showbiz

Lea nairita, tumigil sa concert nang may mag-ring na telepono

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Lea nairita, tumigil sa concert nang may mag-ring na telepono

Nagti-text sa akin kahapon ng umaga ang isang kaibigang nasa Arizona na kung saan may concert si Lea Salonga sa Scottsdale Center for the Performing Arts.

Sold out daw ang tickets at ipinakita nga sa akin ang venue na punung-puno ng mga tao.

Nagkakahalaga pa raw ang tickets ng 35 hanggang 85 US dollars na effort din talaga roon ang ganung halaga ng ticket sa isang concert.

Pero gustung-gusto nila si Lea na talagang sulit naman daw ang ibinayad nila.

Sa first part pa lang daw ng concert nagpakita na ng galing ang international stage actress at singer pero hindi rin niya pinalagpas ang nag-ring na cellphone sa kalagitnaan ng performance niya.

Di ba itini-tweet pa ‘yan noon ni Lea na insulto sa kanilang performers kapag may nag-ring bigla na cellphone sa loob ng theater habang nagpi-perform ang isang artist?

Bago pa man nagsimula ang concert ay may warning na i-turn off ang cell phone o kaya i-mute para di nakaka-distract sa palabas.

Tumigil daw ito sa pagkanta nang second song niya at tipong ganito raw ang sinabi: “I heard a phone ringing over there and I will stop and ask you to answer because it could be emergency.

“Emergency happens and just go ahead and answer it. I’ll wait, that could be an emergency,”

Medyo tumaas raw ang kilay, pero ‘di nagpahalatang nairita dahil nagulat daw siya sa lakas ng ring ng telepono. Yun na! Merese di ba?

Alex handang lunukin ang pride

Nakatakdang makipagkita ngayong linggong ito si Alex Gonzaga kay incumbent Mayor Edwin Olivarez ng Parañaque para personal na mag-apologize.

Lumaki na kasi ang isyung pagsabi raw ni Alex ng “mandurugas” sa isang kampanya na pinuntahan niya sa Parañaque bago mag-eleksyon.

Umakyat si Alex sa entablado ng kalaban ni Mayor Olivarez na kung saan ikinakampanya niya roon ang partylist na ini-endorse niya.

Sa tiket ding iyun kumakandidato si Dominic Ochoa bilang konsehal. Ikinampanya na rin ito ni Alex dahil kaibigan niya ang asawa ng aktor na si Denise Go.

Ayon sa ilang taga-Parañaque na nakausap ko, nakunan daw ng video na sinabi ni Alex na tipong gaya raw ng kalaban ng tatay niya sa Cainta, nadugas din daw sila ng kalaban nito.

Nagalit daw ang karamihan sa mga taga-Parañaque dahil obvious na si Mayor Olivarez daw ang tinutukoy.

Naka-text naman si Alex ng isang kaibigan niya at dating katrabaho, itinatanggi niyang may binanggit siyang pangalan.

Pero nagpa-schedule na nga raw siyang makipagkita kay Mayor Olivarez para mag-apologize kahit wala naman daw siyang binanggit na pangalan.

Wala rin naman daw siyang natanggap na notice o sulat mula sa Parañaque para idi-deklara siyang persona non grata.

Kasunod nito, may statement naman mula sa tanggapan ni Mayor Olivarez na wala raw silang ganung desisyon. Hindi naman daw pini-personal ni Mayor Olivarez ang mga ganung komento lalo na’t panahon ng eleksyon.

Kahit naman ang ilang taga-Juan Movement partylist na ini-endorso ni Alex ay naniniwalang walang ganung patama ang Kapamilya aktres.

Nakausap din nga namin si Arnell Ignacio na sumusuporta rin sa Juan Movement, tingin daw niya wala kay Alex yung mga ganung pakuwela niya.

“Minsan naman kasi kung anu-ano lang ang lumalabas sa bibig ni Alex na alam mo nagpapatawa lang naman siya. Walang intensyong manira o umatake sa ibang pulitiko,” sabi pa ni Arnell.

Nabanggit din ni Toni Gonzaga sa isang interview na hinaharap naman daw ng kapatid niya kung meron man itong nagawa o nasabing mali. Nakahanda naman daw itong humingi nang paumanhin at mag-move on.

Alden pasok na host ng clash

Wala pa ring kinukumpirma mula sa mga taga-The Clash kung sino na ang kanilang host, pero matunog na baka si Alden Richards daw ito.

Mananatiling judges pa rin daw sina AiAi delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha na umupo rin sa season one.

Nagsimula na silang mag-audition kasama ang mga finalists ng naturang singing competition at ang grand winner na si Golden Cañedo.

Sabi ni direk Bert de Leon na isa rin sa screening panel; “This year, we are looking forward to welcome a fresh batch of talented individuals who have what it takes to earn the title.”

Kahapon ay nagsimula na silang magpa-audition sa Magic Mall MMX Event Center sa Pangasinan, at nakatakda rin silang magpa-audition sa Veranza Mall sa Gen. Santos City sa May 25, NCC Mall Buhangin, Davao City sa May 26 , Robinson’s Place, Iligan sa May 31, at Robinson’s Place, Bacolod sa June 1.

Bukas po ito sa lahat na Pinoy na lalaki o babae na amateur o professional na mang-aawit edad 16 pataas.

Magdala lang daw ng original at photocopy ng birth certificate at isang recent 4R half-body picture. Kailangan din daw maghanda ng at least dalawang kanta with minus-one o USB flash drive.

vuukle comment

LEA SALONGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with