^

PSN Showbiz

Herbert pinag-aaralan na ang pagpo-produce ng high tech movies!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Herbert pinag-aaralan na ang pagpo-produce ng high tech movies!
Herbert

SEEN: Si former Commission on Elections Chairman Sixto Brillantes ang legal counsel ni San Juan City congressional candidate Edu Manzano sa disqualification case ng COMELEC second division laban sa aktor. Sinabi ni Brillantes na kandidato pa rin si Edu sa congressional race sa May 13, sa kabila ng inilabas na desisyon ng COMELEC second division.

SCENE: “Edu Manzano is still the legitimate candidate,” ang klaro na paliwanag ni Atty. Brillantes tungkol sa disqualification case laban kay Edu. Déjà vu ang pakiramdam ni Edu dahil May 7 din ang date noong 1998 nang i-disqualify siya ng COMELEC second division bilang vice mayoral candidate ng Makati City dahil sa citizenship issue. Si Edu ang pinanigan ng Supreme Court kaya siya ang nanalo na bise-alkalde ng Makati City.

SEEN: Kinumpirma ni Edu na nadagdagan ang social media followers nito at lalong dumami ang bilang ng mga dumadalo sa mga campaign rally niya dahil sa kontrobersya na dulot ng disqualification sa kanya ng COMELEC.

SCENE: Nagpapasalamat si Hero Bautista sa kanyang kapatid, si outgoing Quezon City Mayor Herbert Bautista dahil suportado nito ang lahat ng mga campaign rally niya. Re-electionist si Hero bilang konsehal ng 4th District ng Quezon City.

SEEN: Sinabi ni Harlene Bautista na magiging active si Herbert sa pagpo-produce ng mga pelikula kapag bumaba na mula sa puwesto ang kanyang kapatid. Pinag-aaralan na ni Herbert ang mga bagong equipment sa paggawa ng pelikula.

SCENE: Ibinalita ni Hero Bautista na Fusion ang pamagat ng pelikula na ginagawa niya na balak nila na ibenta sa Netflix. Si Hero ang bida ng Fusion at leading ladies niya sina Daiana Menezes at Maria Ozawa. Nangako sina Harlene at Hero Bautista na kahit hindi na mayor si Herbert, ipagpapatuloy nila ang nakaugalian na tradisyon na birthday blow-out sa entertainment press na pamilya na ang turing nila at malaking bahagi ng kanilang buhay.

vuukle comment

HERBERT BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with