^

PSN Showbiz

Enrique at Liza hindi muna itutulad kina Daniel at Kathryn!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Enrique at Liza hindi muna itutulad kina Daniel at Kathryn!

TIPM, isang season na!

MANILA, Philippines — Wow, isang episode na lang at one season na ang digital program na Take It... Per Minute nina Manay Lolit Solis and Manay Cristy Fermin.

Parang kelan lang, pero naka-three months na pala ang nasabing first digital talk show ng Pilipino Star NGAYON Facebook page.

Kahapon ay naki-join sa 12th episode sina Ogie Diaz at Mr. Fu kaya mas naging masaya at maingay ang kuwentuhan.

Isa sa hinimay-himay nila ang tungkol sa ginawa ng aktor na si Phillip Salvador katulad sa nasusulat ni Nay Cristy sa kanyang column dito at sa sinasabi ni Nay Lolit Solis na hindi talaga nabibili o natatapatan ng pera ang utang na loob.

Pinag-usapan din nila si Edu Manzano na dineklarang disqualified ng COMELEC pero sinabi naman ng Supreme Court na dugong Pinoy ang aktor / TV host. Saka bakit noong kumandidato siyang Vice President and Senator, wala naman siyang naging problema eh bakit ngayon lang na kumakandidato siya sa pagka-congressman sa San Juan na ka-ticket ni Janella Estrada saka may issue ng disqualification?

Anyway, pareho namang nagulantang sina Nay Lolit and Nay Cristy nang makita nila ang mga pinapak na legs at braso nina Sunshine Cruz at mga anak ng surot sa isang hotel sa Taiwan. Ang kikinis nga naman ng anak nito tapos doon lang pala magkakadungis sa Taiwan.

May nagtanong naman na viewers kung anong next project ni Liza Soberano na alaga ng kaibigang si Ogie. Isang teleserye at movie raw ang pagsasamahan ng LizQuen at hindi pa sila agad-agad titibagin bilang magka-loveteam kahit nga nag-e-experiment na ang ABS-CBN na paghiwalayin ang mga magkaka-loveteam like Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.

Nabanggit din ni Ogie na wala na nga ang Home Sweetie Home. Papalitan na ito at pasok na sina Alex Gonzaga, Vhong Navarro, Bayani Agbayani at iba pa. Pero mari-retain si Toni Gonzaga. Wala na rin si Piolo Pascual na kasalukuyan palang nasa Amsterdam dahil nag-aaral ng filmmaking.

At naku ang blind item tungkol sa isang designer na nahuling nagnanakaw ng mga tela at swarovski sa kanyang among Royal family sa Dubai. Naku marami palang nakakaalam ng nasabing kuwento at kalat na ito. Grabe sayang ang designer na ito. May pangalan na siya pero ganun pala ang raket niya. Pipiyok kaya siya?

Pero andun din ang paalala nila sa lahat ng mga boboto sa Lunes, na siyempre ay ‘wag naman tayong padala sa propaganda at paninira lang. Gamitin natin ang karapatan nating mamili ng tamang kandidato na hindi natin pagsisisihan.

Anyway, sa Friday nga pala ay may pictorial na sila para sa plugging for One News ng Cignal TV kung saan magkakaroon ng simultenous airing ang Take It... Per Minute! and PSN FB page.

vuukle comment

DANIEL PADILLA AND KATHRYN BERNARDO

LIZQUEN

TAKE IT... PER MINUTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with