^

PSN Showbiz

Barbie tinawaa na sinungaling si JM!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Barbie tinawaa na sinungaling si JM!
JM at Barbie

Kamakailan ay napikon si Barbie Imperial dahil sa mga pahayag ni JM de Guzman sa amin sa Tonight with Boy Abunda tungkol sa naging relasyon ng dalawa. Isa na rito ay nabanggit ng aktor na wala pa umanong isang buwan ang inabot ng kanilang ugnayan ng dalaga. Nag-post si Barbie sa Twitter ng, ‘Once a liar, always a liar.’ nang mapanood ang interview.

“Kasi po ‘yung ibang detalye parang hindi ko siya ma-take. Siguro kahit one percent lang, minahal mo naman ako di ba? Bakit naman kailangang magsinungaling? Hindi ko lang siya talaga napigilan na mag-react nang gano’n. Doon ako napikon din, kasi sa akin lampas na siya (relasyon) ng isang buwan pero sa kanya pala mag-iisang buwan pa lang,” paliwanag ni Barbie.

Maraming mga dahilan kaya nagkahiwalay bilang magkasintahan sina JM at Barbie at hindi lamang ang tungkol sa kanilang mga karera katulad ng nabanggit ng aktor. “Madami po kasi ‘yon eh. Puwedeng pinursue ka niya na seryoso siya. Puwedeng pinursue ka din niya na may iba din pala. Puwedeng pinursue ka niya na parang gusto ka niya ulit saktan. Basta, pinursue naman niya ako,” makahulugang pahayag ng dalaga.

Matatandaang kahihiwalay pa lamang din noon ng aktres kay Paul Salas nang magkamabutihan sila ni JM. Habang ang aktor naman ay kababalik pa lamang sa trabaho mula nang malulong sa droga at nagpahinga ng ilang taon. “So parang kaming dalawa po, dalawang tao na wasak, tina-try naming pareho na ayusin ‘yung isa’t isa. Buuin ‘yung isa’t isa pero hindi po pala puwede ‘yon. Dapat parang at least may isang tao na buo. Kasi ang hirap pong wasak ka na nga, tapos wasak din aayusin mo,” giit ni Barbie.

Sa ngayon ay hindi talaga kaya ni Barbie na muli silang maging magkaibigan ni JM dahil sa mga nangyari. “Hindi ko po talaga kaya eh. Pero hindi ko naman po tutuldukan doon. Kasi hindi ko naman po alam kung anong mangyayari sa mga susunod na araw. Pero sa ngayon po talaga, hindi po talaga,” pagtatapos niya.

John hindi pinagdamutan ni Sharon

Sa May 15 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang Kuwaresma na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at John Arcilla.

Isang malaking karangalan umano para sa aktor na makasama sa nasabing proyekto ang Megastar. “Excited na agad ako kasi Sharon Cuneta ‘yan eh. Diva ‘yan in a positive sense and she earned the title. So gano’n na lang katindi sa akin ‘yung excitement. Isang experience of a lifetime for an actor and an honor for an actor to work with Sharon Cuneta, ” nakangiting kuwento ni John.

“Pagdating sa set medyo pakiramdaman muna. So first time na bumuka ‘yung bibig ni Sharon at ‘yung bibig ko, hindi na kami natapos magkwentuhan. So finally I can’t really imagine that I can find a friend in Sharon Cuneta,” dagdag pa ng aktor.

Hindi raw nahirapan si John sa pag-arte dahil sa pagiging magaling na aktres din ni Sharon. “Siya ‘yung isa sa mga aktres na kapag nakasama mo, ‘yung lahat ng kailangan mo bilang isang aktor sa iyong emosyon, sa requirement din sa eksena, makukuha mo na sa kanya. Napaka-generous niya,” pagbabahagi ni John.

Hindi inakala ng aktor na magiging malapit sila ni Sharon sa isa’t isa dahil sobrang tinitingala ang aktres. “Hindi ko ini-expect na si Sharon Cuneta pala ay tao. Sobrang sarap kasama ni Sharon on and off the camera. So lahat na lang napag-usapan namin, ‘yung stories sa buhay namin. Minsan kahit alam mo na kapag siya ‘yung nagkukuwento parang napaka-refreshing. So ibang klase, iba kasi ‘yung nalalaman mo lang sa media, iba ‘yung kinukuwento sa ‘yo,” paglalahad ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

BARBIE IMPERIAL

JM DE GUZMAN

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with