^

PSN Showbiz

Eddie ayaw pa ring mag-retire!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Eddie ayaw pa ring mag-retire!
Eddie

Pinalakpakan ng lahat si Eddie Garcia nang tawagin sa Appreciation Lunch ng MMDA para sa pelikulang Rainbow’s Sunset na ginanap sa tanggapan ni Chairman Danny Lim nung nakaraang Lunes ng tanghali.

Binanggit na rin kasi roon ang kanyang kaarawan na ipinagdiwang lang nung nakaraang May 2. Saradong 90 years old na pala si Manoy Eddie pero nakakapagtrabaho pa rin siya at humahakot pa ng acting awards.

Sabi niya, bale pangatlong acting award na raw itong nakuha niya sa isang international film festival. Sayang nga at hindi niya ito personal na natanggap sa Texas dahil nasa shooting ito ng Viva kasama si Andrew E.

Wala pa sa isip ni Manoy ang mag-retire dahil ang dami pa ring gustong makita siyang umaarte. Ngayong 90 years old na siya ang panuntunan na raw niya para sa isang healthy at productive lifestyle ay : “Everything in moderation; food, work, even fitness and workout,” pakli ng multi-awarded actor.

Hiniritan siya roon kung nandiyan pa rin ba ang sex?

“Meron pa naman pero mga twice a month na lang, existent pa rin,” nakangiti niyang sagot. Hindi na lang siya sinundan ng tanong kung kailangan na ba ng Viagra.

Gaya nga ni Manila Mayor Erap Estrada, bongga pa rin daw ang sexlife at hindi nawawala yun. Kaya baka iyun pa nga ang nagpapalakas sa kanila at tuluy-tuloy pa rin ang trabaho.

Jo Berry gustong makagawa ng mala-GoT!

Nasa social media ang mga komento at reaksyon ng mga adik sa Game of Thrones.

Ilang Lunes na lang matatapos na ito kaya nakatutok silang lahat sa HBO tuwing Lunes ng umaga.

Ang isang sumisilip-silip naman pero hindi naman nahu-hook sa GOT ay si Jo Berry na bida sa nagtapos na programang Onanay.

Natuwa kasi si Jo sa isa sa mga nasa main cast na si Peter Dinklage na isa ring little person at gumaganap bilang si Tyrion Lannister sa naturang sikat na serye.    

Dream din ni Jo Berry na makaganap ng ganung challenging role dahil pagkatapos ng Onanay, umaasa naman siyang makagawa pa siya ng mga proyektong gaya ng huling nagawa niya na kung saan napiga ang pagiging aktres niya. Sabi niya; “Hindi ko po siya nasubaybayan, pero alam ko yung karakter niya. It’s very important. Sana po someday na mabigyan ako ng ganun ka-challenging na role.”

Thankful siya sa GMA-7 dahil akala niya pagkatapos ng Onanay wala na siyang magagawang magandang project.

Hindi naman daw siya nawawalan ng guestings at isinama na nga siya sa pelkulang Kiko En Lala na pinagbibidahan ni Super Tekla at dinirek ni Adolf Alix, Jr. under Backyard Productions ng GMA Pictures.

“I’m praying na magkaroon ulit ng isang serye na maganda rin ‘yung story, that we’ll be given to me someday,” pahayag ni Jo sa set ng pelikulang Kiko En Lala na magsu-showing na sa May 22.

Nakakatuwa pa raw na marami ang nagpaparating ng mensahe sa kanya na malaking bagay daw sa mga little people ang ginawa niya sa Onanay.

Wally sasamahan sina Cherie at Heart sa pagiging judge?!

Ayaw pang kumpirmahin sa amin ng mga taga-Starstruck kung totoong si Wally Bayola na nga ba ang isa sa uupong judge sa naturang talent-reality search.

Iyun ang isang kuwentong nakarating sa amin dahil nakita na nga raw nilang nagpa-pictorial na ito kasama sa ibang magdya-judge na sina Cherie Gil at Heart Evangelista.

Bongga rin kung si Wally nga ito dahil magkakaiba silang personality nina Cherie at Heart.

Si Dingdong Dantes pa rin ang host na kung saan makakasama niya rito si Jennylyn Mercado, at online host naman si Kyline Alcantara.

Sa June na raw ito magsisimula.

vuukle comment

EDDIE GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with