^

PSN Showbiz

Korina tinatamad nang lumabas ng bahay!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Korina tinatamad nang lumabas ng bahay!

SEEN: Aminado si Korina Sanchez na tinatamad siya na lumabas ng bahay mula nang dumating sa buhay nila ni Mar Roxas ang kanilang kambal na anak na sina Pepe at Pilar. Kung hindi importanteng-importante ang mga appointment niya, mas gusto ni Korina na manatili sa bahay.

SCENE:  Lalong lumawak ang kaalaman ni Mar Roxas tungkol sa wastong pag-aalaga sa mga bata dahil sa mga video na pinapanood niya sa YouTube. Plano nina Mar   at Korina  na pabinyagan sina Pepe at Pilar pagkatapos ng eleksyon sa May 13. Ipagdiriwang ni Mar sa May 13 ang kanyang 62nd birthday pero wala sa kanyang plano na magdaos ng birthday party. Pagkatapos bumoto sa Capiz, babalik siya sa tahanan nila ni Korina sa QC para alagaan ang kanilang mga anak.

SEEN: Isa at kalahating buwan na namalagi sa Pittsburgh, Pennyslvania si Korina   nang isilang sina Pepe at Pilar. Ang pananatili nila sa Pittsburgh ang isa sa mga unforgettable experience ni Korina.

SCENE: Kapag nabakunahan na sina Pepe at Pilar, balak ni Korina na dalhin ang mga bata sa puntod ng kanyang mga magulang na thankful sa mga kababayan natin na nagpapadala sa kanya ng breast milk para kina Pepe at Pilar. Nadagdagan ang followers ni Korina sa social media dahil sa mga anak nila ni Mar.

SEEN: Favorite actor ni Mar Roxas si Denzel Washington kaya dinag­dagan niya ng Denzel ang pangalan ni Pepe na Pepe Ramon Gerardo Denzel Sanchez Roxas. Ang Equalizer ang isa sa mga pelikula ni Denzel na paulit-ulit na pinanonood ni Mar.

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

MAR ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with