^

PSN Showbiz

Kapalaran grabe kung magbiro!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kapalaran grabe kung magbiro!
Hayden Kho, Jr.

Mapaglaro talaga ang kapalaran dahil noong nagkaroon ng kontrobersiya sa buhay nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho, Jr., siyempre sa side ako ni Vicki at naging kontrabida ako sa life ni Hayden.

After ng lahat ng gulo, nalaman ko na lang na May 20 ang kaarawan ni Hayden at ka-birthday naman siya ng apo ko na si Kinsey McDonald.

May kasabihan na kapag magkapareho ang birthday, may mga ugali kayo na almost pareho at sometimes you also get to experience things na halos of same quality at hindi magkakalayo ang inyong personalidad.

Kaloka dahil parang naglaro ang tadhana, ako, ang nag-iisa kong apo at si Hayden, sharing the same birthday.

Looking back, naisip ko na noon, the same thing na siguro I hate in Hayden is the same thing how people feel about me, his weaknesses and strength are also my weakness and strengths.

After that incident, I saw Hayden in a different light, I felt the charm and why Vicki Belo fell hard for him.

And honestly, when my apo Kinsey grows up, I want him to be a man like Hayden. If life will also play a “game” for Kinsey, and he would go through the same “controversy “ that Hayden has experienced, I want Kinsey to bounced back just like Hayden.

Honestly, from the bottom of my heart, I am so proud to celebrate my birthday with Kinsey and Hayden. Happy birthday to us, survivors.

Sen. Grace Poe nangunguna pa rin!

Bongga si Senator Grace Poe, number one na siya sa mga senatorial survey, kasama pa niya palagi si Coco Martin sa kanyang mga kampanya at paglilibot sa probinsya.

At ang galing na kasabay ng endorsement ni Coco kaySenator Grace ang pag-endorse niya sa partylist na Ang Probinsyano.

Hindi puwedeng isnabin ang crowd drawing appeal ni Coco kaya napakarami ng mga tao na pumupunta sa mga campaign rally ni Senator Grace.

Natutuwa rin ako dahil matatag din sa senatorial survey si Senator Cynthia Villar dahil alam naman ng lahat na feeling member ako ng Villar family, mula kay former Senator Manny Villar, DPWH Secretary Mark Villar at kay soon- to- be Congresswoman Camille Villar.

Feeling ko nga, winner din ako dahil nakikita ko sa mga survey na kasama sa listahan ng mga pinapaboran na iboto ng mga Pilipino ang mga kandidato na sinusuportahan ko.

Sabi ko nga emotional voter ako, ang kilala ko lang ang gusto ko na iboto, hindi ko binabasa ang mga plataporma ng mga kandidato, ang kanilang mga pangako o ginagawa.

Ang malalapit lang sa puso ko ang mga kandidato na iboboto ko at isusulat sa balota. I owe it to myself na kung sino ang kakilala ko. ‘yon ang susuportahan ko dahil kung mabait sila sa akin, sure ako na  magiging mabait din sila sa mga kababayan ko.

Kung sino ang mga gusto n’yo na iboto, karapatan n’yo at ganoon din ako, kung sino ang gusto ko, karapatan ko na sila ang ihalal ko kaya vote wisely, vote well, vote with your heart.

vuukle comment

JR.

HAYDEN KHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with