^

PSN Showbiz

Miles, magsusulat ng script para kay John Lloyd

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Miles, magsusulat ng script para kay John Lloyd
John Lloyd at Miles Ocampo

Bulung-bulungan ngayon ang pagbabalik umano ni John Lloyd Cruz sa Home Sweetie Home na pinagbibidahan noon ng aktor at ni Toni Gonzaga. Napasok sa nasabing programa ang karakter ni Piolo Pascual nang magpahinga sa show business si John Lloyd.

Ngayon ay napababalitang posibleng bumalik nasi John Lloyd pagkatapos lumabas ng aktor sa advertisement ng isang sikat na shawarma brand kamakailan. Mahigit isang taon na ang nakalilipas nang iwan ni John Lloyd ang programa. Para naman sa kasamahan sa sitcom na si Miles Ocampo ay maganda kung makababalik ang aktor. “Sana, hindi ko po alam. Marami pong naghihintay sa pagbabalik ng isang John Lloyd Cruz,” bungad ni Miles.

Kumukuha ngayon ng kursong Creative Writing ang dalaga sa University of the Philippines. Napag-usapan daw minsan nina John Lloyd at Miles ang tungkol sa script na isusulat ng dalaga para sa aktor.

“Tuwang-tuwa siya, sabi niya kapag may nagustuhan siya, iaarte niya. Sabi ko, ‘Naku! Kuya, panghahawakan ko ‘yang sinabi mo na ‘yan sa akin,’ nakangiting kwento ni Miles.

Maymay proud sa pinaghihirapan ni Edward

Malaki ang pasasalamat nina Maymay Entrata at Edward Barber sa lahat ng mga tagahangang patuloy na tumatangkilik sa kanilang bagong album. Kamakailan ay nanguna sa iTunes Philippines ang album ni Maymay na #M0806 habang pumangalawa naman ang album ni Edward na #E0806. 

Mahalaga para kina Maymay at Edward ang date na August 6, 2016 dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkita at nagkausap sila nang personal kaya mayroong 0806 sa titulo bawat album.

“Nagpapasalamat po kami sa binigay na opportunity, second album ko, first album ni Dodong (tawag ni Maymay kay Edward),” bungad ni Maymay.

Naganap ang back to back album launch ng dalawa kamakailan na dinaluhan ng mga tagahanga ng tambalang MayWard.

“We don’t wanna think it as album launch na sobrang formal. Kanta lang kami sa stage, parang fan con (conference) din,” nakangiting pahayag ni Edward.

Nakatakdang bumalik ni Maymay sa Hong Kong para ipagpatuloy ang shooting para sa pelikulang Hello Love, Goodbye na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. “Gusto ko po magpasalamat sa lahat ng fandom doon, ‘yung KathNiel family, ‘yung AlDub family, Aldenatics, saka MayWard family kasi nagkakaisa sila. Saka sila po ‘yung naging marshal namin,” natatawang pahayag ni Maymay.

Samantala, malaki rin ang pasasalamat ng dalawa sa lahat ng mga manonood na tumatangkilik sa Hiwaga ng Kambat na pinagbibidahan nina Edward at Grae Fernandez.

“Nagpapasalamat ako kasi ito ‘yung pinakamahirap na role that I have expe­rienced,” paglalahad ng aktor.

Hindi raw inakala ni Maymay na mahirap ang gagawin ni Edward para sa bagong serye ng ABS-CBN.

“Nakita ko talaga ‘yung paghihirap niya. Akala ko po kasi wala lang ‘yon. Kasi nakasuot ng mga suit, prosthetics. Hindi madali po ‘yun. I’m proud of you,” pagtatapos ni Maymay. (Reports from JCC)

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with