^

PSN Showbiz

Michael V. ala-Dolphy sa movie nila ni Dawn

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Michael V. ala-Dolphy sa movie nila ni Dawn
Michael V.

Malapit na palang matapos ni Michael V. ang pelikulang prinodyus, sinulat at dinirek niya sa GMA Pictures.

Co-production niya ito ng Mic Test Entertainment, Inc. sa GMA Pictures na pinamagatang Family History.

Dito kinarir ni Bitoy ang matagal na niyang gustong gawin sa isang pelikula.

Hindi pa rin nawawala ang comedy, pero may drama na tipo raw ng mga pelikula ni Dolphy.

“Lahat meron to. May comedy, may drama. Saka ano to eh…parang my way of telling the industry somehow na ito yung strength natin mga Filipino. Yung paggawa ng ganitong klaseng istorya.

“Lumabas na kasi yung Avengers Endgame ‘di ba? Parang kaya pa ba natin yun? At this point parang imposible.

“Ang iba nga nagsasabi na gumawa ka naman ng parang sequel ng Rubberman parang ganun. Sa loob loob ko, at this point hindi na muna at saka hindi natin kaya.

“Ang ganitong klase yung drama at comedy,” paliwanag ni Michael V.

“Saka lumaki akong fan ni Dolphy.

“Gustung-gusto ko kapag gumawa siya ng pelikula na nakakatawa tapos may sundot na nakakaiyak. Ang galing ni Dolphy. Yung Tatay Kong Nanay, yung Facifica Falayfay, gustung-gusto ko yun.

“Yung John en Marsha niya…na parang sa loob loob ko, wala nang gumagawa ng ganun. I think it’s about time na mag-attempt ng ganun,” dagdag niyang pahayag.

Ang maganda pa sa bagong venture na ito ni Bitoy, nagkaroon na rin sila ng magandang tandem ng asawa niyang si Carol Bunagan.

“Very healthy kasi gaya nga ng sinasabi ko, there is always two sides of showbiz eh; one is the show, one is the business side.

Pagdating sa creativity, pagdating sa artistic side, ako lahat magha-handle nun. Tanungin mo ako, ako alam ko lahat yan.

“Pagdating sa finances, siya na lang tanungin n’yo,” pakli ni Bitoy.

So far, hindi pa naman daw sila nagtatalo pagdating sa paglabas ng mga gastusin.

Hindi pa naman daw sila over budget.

“Pag sinabi niya yun, may problema na.

“So far, may mga kalabit pa lang na mahina. Pag naramdaman mong malakas na, ano na yan,” napapangiting pahayag ng magaling na komed­yante.

Ilang araw na lang matatapos na sila ng shooting at kukunan na raw nila ang mga mabibigat na eksena at revelation sa kuwento kaya medyo ngaragan na sila dahil kailangan maabot nila ang deadline dahil sa June ang target ng showing nito.

Star-studded ang pelikulang ito, dahil bukod kay Dawn, kasama rin nila sina Paolo Contis, Miguel Tanfelix at Bianca Umali, John Estrada, Nonie Buencamino at may special participation sina Dingdong Dantes at Eugene Domingo.

Dawn mapili na sa gagawin!

Doon na rin sa set ng Family History nagpahayag si Dawn Zulueta na magi­ging mapili siya ngayon sa pagtanggap ng teleserye.

Okay na raw muna siyang mag-pelikula kagaya nitong Family History na

hindi pa stressful ang schedule.

“Depende na lang siguro sa offer. If there’s really a nice offer. So far kasi the offers that have come hindi ako masyado na-excite.

“And then, kung ganun lang yung schedule ay huwag na lang.

“Hindi ka na natutulog eh. Parang wala ka nang buhay.

“Hindi ka na puwedeng magkasakit. Hindi ka puwedeng magbakasyon.

Wala kang buhay, ganun! Nakaka-stress kung ganyang klaseng  trabaho na hindi mo alam kung hanggang kailan kang ganun,” bulalas ng magaling na aktres.

Gusto na rin daw kasi niyang tutukan ang dalawang anak nila, lalo na ang panganay na si Jacobo na magbibinata.

Kaya mabuti na ring huwag na raw muna siyang mag-soap.

“Nagdesisyon na ako about this two or three years ago because my son, he’s gonna be 14 ano?

“Nakikita ko nang magbibinata na ang anak ko. I just felt na I have to stay with him more.

“Hindi ako puwedeng magkaroon ng schedule na parati akong wala sa bahay.

“Kapag ganyang nagti-teenager na, I need to be there, more available. It’s quantity time, hindi lang quality,” dagdag niyang pahayag.

Natutuwa lang daw siya rito sa ginagawa nilang Family History dahil first time nilang magkatrabaho ni Bitoy at nagugulat daw siya na parang hindi first timer ang komedyante sa pagdidirek.

vuukle comment

DAWN ZULUETA

MICHAEL V.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with