^

PSN Showbiz

Heaven laging kabuntot ni Jimuel

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Heaven laging kabuntot ni Jimuel
Heaven

Kung open na ang relationship nina Florin Hilbay at Agot Isidro, ganun din naman ang relasyon ng panganay ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao sa kabataang aktres na si Heaven Peralejo.

Andun din si Heaven sa rematch game ni Jimuel sa kaklase nito na tinalo ng batang Pacquiao sa kanilang unang laban at muli sa kanilang rematch game. Hindi lamang sa sports activity ni Jimuel present ang kanyang girlfriend na artista kundi maging sa mga non-showbiz event na pinupuntahan nila. 

Agot may pangalawang glorya!

Hindi na ipinaglilihim ni Agot Isidro ang magandang relasyon nila ni senatoriable Florin Hilbay ng grupong Otso Diretso, dati ring solicitor general at kabilang sa legal team ni Sen. Antonio Trillanes. Naroon ito at nahagip ng kamera sa ginawang debate ng mga tumatakbong senador mula sa administrasyon at oposisyon na itinaguyod ng CNN.

Her name was even mentioned by Hilbay na kasing halaga ng kanyang pagmamahal sa bansang Pilipinas na ikinakilig ng maraming mag-aaral ng UST na kung saan ginanap ang senatorial debate.

Elmo, normal na ulit ang buhay

Buti naman at kahit hindi pa sila bati ni Janella Salvador ay nakakapamuhay na ng normal si Elmo Magalona. Matatandaang naghiwalay ang dalawa matapos ang isang matindi at kontrobersyal na pag-aaway.

Nagsisimula na ring maging normal ang lovelife ng anak ng Master Rapper dahil balitang nakahanap na ito ng kanyang non-showbiz girl na siyang nagpapangiti sa kanya ngayon. Hindi man binati ni Janella si Elmo nung nakaraang birthday nito, hindi naman nagkulang ng well-wishers si Elmo sa katauhan ng kanyang pamilya, kaibigan at mga kasamahan sa trabaho.

Pagkapanalo ni Nadine makatutulong sa Darna

Makakatulong ng malaki kay Nadine Lustre ang panalo niya ng Best Actress sa katatapos na Famas Awards para sa pelikulang Never Not Love You para makuha niya ang Darna. Balitang lyamado siya sa pilian dahil bukod sa may katawan at babagay sa kanya ang costume ng babaeng lumilipad at lumulunok ng bato, nag-Best Actress pa siya, patunay lang na may ibubuga siya pagdating sa aktingan. Mayro’n na siyang malaking advantage sa maraming nagnanasang maging Darna.

vuukle comment

HEAVEN PERALEJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with