^

PSN Showbiz

Jinkee aligaga sa concert ni Ji Chang-wook l

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jinkee aligaga sa concert ni Ji Chang-wook   l
Jinkee

Birthday pala ni Israel, ang anak na bunso ni Champ Manny at Mama Jinkee Pacquiao. Tinawagan ako ni Bernard Cloma kaya nag-usap kami ni Mama Jin-kee tungkol sa paglabas ni Ji Chang-wook dahil tapos na ang mandatory one year training nito sa South Korea.

Itutuloy na ni Mama Jinkee ang promise niya na ipagpo-produce ng concert ang kanyang favorite Korean actor.

Aligaga na naman si Bernard sa pag-aasikaso sa mga gagawin na business ni Mama Jinkee at parang siya rin ang punong-abala sa children’s party ni Israel.

Bongga si Bernard ha? May Manny Pacquiao na, may Floyd Mayweather pa siya. Hindi talaga maabot ang pagiging social butterfly niya.

After na  kumalat-kalat si Bernard sa meet and greet ni So Ji Sub, sure ako na nakaw-eksena na naman siya sa Ji Chang-wook concert.

Wala talagang makakaagaw ng korona ni Bernard pagdating kay Mama Jinkee. Siya talaga ang personal butler ng reyna ni Champ Manny kaya naman feeling family siya sa mga Pacquiao.

Hayan matutuwa na si Nitz Miralles dahil darating na si Ji Chang-wook sa Pilipinas kaya dapat nang maghanda ang fans ng sikat na Korean actor na favorite ni Mama Jinkee.

Kim nakikipag-live in na

Sina Andrea Torres at Kim Domingo ang dalawa sa pinaka-sexy na female stars natin ngayon. One thing na masa­sabi sa dalawa, sila ang tipo na iginagalang at hindi bastusin ang kanilang mga perso­nalidad.

They look respectable and they act with grace. Hindi sila mga bastusin kaya naman if given good projects, pareho na magiging matagumpay na stars sina Andrea at Kim.

Pambato rin sila as female leads lalo pa nga ngayon na andiyan na bilang karagdagan male lead sa Kapuso Network si Derek Ramsay. Kim Domingo and Andrea Torres, parehong pambato ng GMA sa mga role na hindi pa puwedeng gawin nina Barbie Forteza, Bianca Umali at Gabbi Garcia, ‘yung medyo daring, sensual at mature nang konti. So, the heat is on, the race start, who will make it bigger, Kim or Andrea?

Both of them is worth the stardom they aspire for. Magaganda na, sexy pa at parehong mahusay umarte.

Kahit nagsalita nang tapos si Kim na ayaw na nito na magpaseksi, hoping pa rin ang male fans niya na magbabago ang kanyang desisyon.

Maraming klase naman ang pagpapaseksi. May mga babae na balot na balot ng damit ang katawan pero umaapaw ang sensuality at ganito ang appeal ni Kim.

Hindi rin naman siguro makakaapekto sa career ni Kim ang pag-amin nito na living together na sila ng kanyang basketball player boyfriend na si Mike Acuña.

Taon na rin ang binibilang ng relasyon ng dalawa kaya baka true love ang talagang tumama sa kanila.

Nakita ko na nang personal ang boyfriend ni Kim at in  fairness, bagay sila as in may chemistry ang dalawa. Ang pakikipagrelasyon niya kay Mike ang isa sa mga reason kaya tumatanggi na si Kim na tumanggap ng sexy roles.

Ang  karakter ni Sophie Albert sa Bihag ng GMA 7 ang isa sa mga tinanggihan ni Kim na hindi pinanghinayangan ang challen­ging role na kanyang pinakawalan.

 

vuukle comment

JINKEE PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with