^

PSN Showbiz

Yam nage-effort makaahon sa pinagmulan!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Yam nage-effort makaahon   sa pinagmulan!
Yam

Kagabi ay nagtapos na ang teleseryeng Halik na pinagbidahan nina Jericho Rosales, Yam Concepcion, Yen Santos at Sam Milby. Naging kontrobersyal ang karakter ni Yam bilang si Jade kaya maraming online bashers ang aktres.

Kamakailan ay hindi na kinaya ni Yam ang ilang bashers na nag-post umano ng mga maseselang eksena na nagawa noon ng sexy actress sa pelikulang Rigodon. “Sa mga tao na nag-screencap ng mga maselan na scenes ko from Rigodon, please stop. Nakakabastos na. Pelikula ‘yun. Hindi totoong buhay! Hindi ko alam kung bakit niyo ginagawa yun. Ano ba gusto n’yo mangyari? Idown ako? Ano ba gusto n’yong patunayan?” post ni Yam sa kanyang twitter account.

Nakararamdam ngayon ng pagsisisi ang aktres kung bakit kinailangan pa niyang magpaseksi noon. “I’ll be honest with you, kung alam ko lang Tito Boy, hindi ko na ginawa. I guess that’s part of my journey,” pahayag ni Yam.

Kahit pinagsisisihan ay hindi naman ikinakaila ng dalaga na sa pagpapaseksi siya talaga nagsimula sa show business. “This has always been an issue sa akin. I’m not gonna deny. Doon ako nanggaling. Dapat hindi mo rin kalimutan kung saan ka nanggaling. But I don’t get it kung anong gusto n’yong patunayan, kung anong gusto n’yong maram­daman ko,” paglalahad niya.

Ngayon ay nagsusumikap si Yam sa trabaho upang ipamalas sa mga manonood na hindi lamang pagpapaseksi ang kaya niyang gawin.

Chie ng Girltrends, sasabak sa malaking serye

Muling sasabak sa paggawa ng teleserye si Chie Filomeno. Makakasama ang aktres sa Love Thy Woman na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Xian Lim at Erich Gonzales. Malaki ang pasasalamat ng dalaga sa pamunuan ng Dreamscape at It’s Showtime dahil sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na mapabilang sa isang bagong proyekto.

“It’s my first time ever with Dreamscape na big teleserye kaya super excited ako and thankful for the opportunity na ibinigay nila sa akin. From performing kasi daily sa Showtime medyo nabakante kasi ako sa mga teleserye. And ngayon I’m back, I’m so happy,” nakangiting pahayag ni Chie.

Regular na sumasayaw sa It’s Showtime ang grupong Girltrends na kinabibilangan ng dalaga.

Ayon kay Chie ay siguradong maninibago siya sa serye kapag nagsimula na ang taping nito. “Feeling ko kasi nangalawang ako sa acting, pero kasi from Showtime, kahit paano may guestings pa rin naman ako with teleserye. So feeling ko this time, tutulungan ako ng Dreamscape para ma-achieve ko ang best ko with acting,” pagbabahagi niya.    (Reports from JCC)

vuukle comment

YAM CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with