^

PSN Showbiz

Kathryn nanggulat sa birthday ni Daniel

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kathryn nanggulat sa birthday ni Daniel

Bumawi naman ng sorpresa si Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla na nag-celebrate ng kanyang 24th birthday kahapon.

Nagkaroon kasi ng salubong party para sa kaarawan ni Daniel na ginanap sa Manila House Club sa BGC, Taguig kamakalawa ng gabi.

Present ang pamilya ni Daniel at mga close friends at executive ng ABS-CBN. Pero ang hindi niya alam, inayos pala ni Kathryn ang paboritong banda nitong Orange and Lemons na mag-perform sa kanyang party.

Naki-jamming pa si Daniel sa paborito niyang kanta na Hanggang Kailan (Umuwi Ka na Baby) at  wala siyang kamalay-malay nandun na pala si Kathryn na umuwi pa galing Hong Kong para lang maki-celebrate sa kanya.

Tamang-tama, nakatalikod si Daniel, tumatakbong papasok si Kathryn at niyakap niya sa likod ang aktor at binati. “Oh my God Kath!” lang ang nasabi ni Daniel sa sorpresa sa kanya ng kasintahan.

Kung kaya lang sana ni Kathryn si Daniel, baka tumalon din ang aktor at yumakap sa kanya sa sobrang tuwa sa pagdalo nito.

Ang daming natuwa sa sweetness nilang dalawa na parehong sumusuporta sa kani-kanilang career.

Suportado ni Daniel ang ginagawang pelikula ni Kathryn na Hello, Love, Goodbye kasama si Alden Richards. Kaya sinasabi ring tiyak na susuportahan din ni Kathryn kung sino man ang puwedeng i-partner kay Daniel.

Ang sinasabi ng karamihan, mas swak sana talaga kung si Liza Soberano naman ang i-partner kay Daniel. Meron kayang magandang project ang Star Cinema sa kanilang dalawa?

As of presstime, inaalam pa namin kung kailan ang balik ni Kathryn ng Hong Kong para tapusin ang pelikula nila ni Alden.

Kim masayang hindi na pinagnanasaan!

Tanggap na ni Kim Domingo na medyo lalamlam ang career niya ngayong ayaw na niyang magpa-sexy. Sariling desisyon na raw niya iyun at hindi raw totoong may nagbabawal sa kanya na magpa-sexy.

“Ginawa ko sa sarili ko dahil iyun talaga ang gusto ko. Ginawa ko siya kasi dun na ako masaya. Mahirap kasing gawin ang isang bagay na hindi ka na masaya eh. Hindi mo na nai-enjoy yung trabaho mo.

“Ako pa naman ‘pag nagtrabaho ako, nandun yung puso ko sa ginagawa ko. Gusto ko masaya ako sa ginagawa ko. Lagi ko naman sinasabi before pa kahit nung time na nagpapa-sexy ako na gusto ko mabigyan ako ng pagkakataong mag-drama, na makita rin yung other side with Kim na bukod sa comedy at pagpapa-sexy marunong din mag-drama,” pahayag ng Kapuso sexy actress nang nakatsikahan namin sa set ng pelikulang Kiko en Lala na magsu-showing na sa May 22.

Suportado naman siya ng GMA 7 kaya nagpapasalamat naman siya at naintindihan daw ang desisyon niyang iyun.

Maganda ang mga project na ibinigay sa kanya kagaya nitong sa Kiko en Lala na kung saan siya ang leading lady ni Super Tekla sa character na si Kiko.

Madalas din ay mga guesting niya sa mga drama anthology dahil gusto raw niya talagang mag-drama.

Pati nga sa Bubble Gang na kung saan regular siya roon, hindi na siya pinipilit kung ayaw niyang mag-two piece. Pinaka-sexy nang nagawa niya sa naturang gag show ay magsuot ng one-piece sa kanilang summer episode.

Hindi na rin daw pinapagawa sa kanya ang segment nilang Patikim ni Kim na may double meaning. “Sinuportahan naman nila ako, kaya very thankful ako sa GMA kasi hindi nila ako pinilit dun sa bagay na ayoko nang gawin,” pakli niya.

Pero kung sakaling may ibibigay raw sa kanya ng napakagandang project na kailangang magpa-sexy baka puwede naman daw niyang gawin pero may limitations pa rin.

Medyo nabawasan na nga raw ang indecent proposals sa kanya at magaan daw ang pakiramdam niya dahil gusto niya ang ginagawa niya.

“Ni-ready ko na yung sarili ko na sabi ko nga kung dumating man yung panahon na sabihin natin na yung kinang ko unti-unti nang mawala, at the end naging masaya ako dun sa desisyon ko. Iyun naman ang importante na naging masaya ako sa ginagawa ko.    

“Alam ko maraming artista na hindi makaalis…kumbaga wala silang choice. Sumusunod sila dun sa kung ano yung sabihin kahit hindi na sila masaya. Ayokong maging katulad nila na ganun,” seryoso niyang pahayag. 

  Alden ipapalit sa nilayasang show ni Regine

Si Alden Richards nga kaya ang pinu-push ng production staff ng The Clash na mag-host sa second season nito?

Ang gusto raw kasi nila ay malayung-malayo sa tipo ni Regine Velasquez, pero hindi raw nila alam kung ma-approve dahil meron yatang ibang pinaplano ang GMA 7 para sa pambansang bae.

May ilang pangalan na raw silang ipinapa-approve pa pero wala pang na-finalize.

Ang latest ding nabalitaan namin, sina Lani Misalucha, AiAi delas Alas at Christian Bautista pa rin ang uupong judges.

Ngayong araw kasi ay magsisimula na ang audition sa The Clash sa Iloilo City. At darating doon ang first runner-up ng naturang singing competition na si Jong Madaliday.

Pero kasabay na rin sa audition ay magkakaroon ng Kapuso mall show roon na gaganapin sa Vista Mall Iloilo. Magpapasaya roon ang bida ng Love You Two na si Jennylyn Mercado at ilang casts ng Kara Mia na sina Mika dela Cruz, Paul Salas at Mike Tan.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with