^

PSN Showbiz

Ellen parang ‘di nanganak ang hitsura ng katawan

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ellen parang �di nanganak  ang hitsura ng katawan
Ellen & JLC

John Lloyd may problema nga ba?

Nagkalat kahapon ang sexy photo ni Ellen Adarna sa social media habang nagbabakasyon sa Bali, Indonesia.

Sa hitsura ng katawan niya, parang hindi nga siya nanganak.

Though wala nga silang inaamin ni John Lloyd Cruz, pero makikita sa ibang picture na nagsi-swimming siya hawak ang sinasabing anak nila ng aktor (na lately nga ay nakikita naman kung saan-saang probinsiya na ang tingin ng ibang nakakakilala sa kanya may pinagdaraanan si John Lloyd).

Base pa rin sa photos, mga kaibigan lang ng sexy actress ang kasama niya sa bakasyon sa Bali. Posted ng designer na kaibigan ni Ellen na si Vito Selma ang sexy photo niya.

Teka ano na nga bang nangyari sa kaso ni Ellen na Child Abuse  and Cyber Crime na inihain ng nanay ng isang minor na ikinalat ni Ellen ang video matapos niyang mapagkamalang paparazzi  habang kumakain sila sa isang ramen house last year ni John Lloyd?

Endgame sinasaid ang pera ng mga Pinoy

Whew mukhang sasairin ng pelikulang Avengers : Endgame ang datung ng mga Pinoy na manonood ng sine. Imagine, ang balita kahapon more than P200 million ang kinita nito sa first day of showing sa Pilipinas. Kaya hindi kataka-takang makakalampas ang kita nito dito sa atin pa lang ng P1 billion.

Hindi lang naman sa bansa nangwasak ng box office record ang nasabing pelikula ng Disney, maging sa China ay $100 million diumano ang kinita nito sa first day ng pagpapalabas. ‘Yun nga lang, sa China din diumano nanggaling ang kumakalat ngayon na pirated online copy.

Dito sa atin, 24 hours ang operation ng ibang mga sinehan na patuloy namang dinadagsa ng mga Pinoy viewers.

Ang siste lang, baka hindi magtira ang mga nanonood ng sine ng pambayad nila sa Tagalog films. Paano na tayo?

vuukle comment

ELLEN ADARNA

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with