^

PSN Showbiz

Hunk na pambato ng bansa sa Mr. Gay, nagsasanay ng Baklava walk

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Hunk na pambato ng bansa sa Mr. Gay, nagsasanay ng Baklava walk
Mr. Gay

Uy kung may ‘lava walk’ si Miss Universe Catriona Gray, may ‘baklava walk’ naman ang pambato ng ating bansa sa Mr. Gay World na si Janjep Carlos.

Yup, at tulad ni Catriona, inaaral din niyang mabuti ang ‘baklava walk’ para sa gaganaping Mr. Gay World sa Cape Town, South Africa sa April 28- May 5, 2019.

Pambato ng bansa ang tubong Cavite hunk na isang varsity volleyball player noong siya ay estudyante sa Cavite State University at nakatapos ng Hotel and Restaurant Management.

Mental health naman ang advocacy niya. Naniniwala siyang na with love and understanding, ang mga taong dumaranas ng depression ay madaling gagaling.

Suportado ang nasabing advocacy niya ng mga ibang organization na ang mga dumaranas din ng depression ang tinutulungan.

 Two days ago ay binigyan nga siya ng send off presscon ni Wilbert Tolentino, ang national director ng Mr. Gay World Philippines, LGBT influencer and owner ng The One 690 Entertainment Bar.

At tulad uli ng ating Miss U, nagsasanay si Janjep ng KF (Kagandahang Flores) Camp na pamumuno ni Rodgil Flores para sa matinding laban niya sa Mr. Gay World.

vuukle comment

MR. GAY WORLD JANJEP CARLOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with