^

PSN Showbiz

Coco ‘nagsalita’ na sa mga isyung kinasasangkutan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Coco �nagsalita� na sa mga isyung kinasasangkutan!
Coco at Julia

Maaring napikon na si Coco Martin sa mga naglabasang isyu, lalo na yung balitang panganganak diumano ni Julia Montes, kaya naglabas na ito ng pahayag na ipinost sa kanyang Instagram account.

Kuha sa Japan kasama ang lola niya ang ipinost at mahaba ang caption na kung saan doon na siya nagsalita ng sentimiyento niya tungkol sa isyu at may tao siyang pinatatamaan na maaring may mga sinasabi laban sa kanya.

Narito ang ilang bahagi ng mahabang hanash ni Coco na ipinost sa pagpasok ng Easter Sunday.

“Sabi ng Lola ko nung bata pa ako magsumikap ka sa buhay para matupad mo lahat ng mga pangarap mo at makatulong ka sa pamilya mo at pagkatapos tumulong ka sa iyong kapwa.

“Mahirap lang ang buhay namin simple pero mapayapa. Hindi kami nang-aapi at nag-agrabyado ng tao at lalo hindi po kami nakikialam ng buhay ng ibang tao.

“Sabi sa akin ng lola ko ang mga taong walang magawa sa buhay nila kaya kaysa ayusin nila ang buhay nila at alagaan ang kanilang mga anak, ang kanilang mga magulang, magsumikap sa kanilang trabaho at mag-aral nang mabuti mas inilalaan nila ang oras at panahon nila para pag-usapan ang buhay ng ibang tao para manira!

“Mas maganda siguro humanap tayo ng ibang kapaki-pakinabang na pag-uusapan para sa ating lipunan para may maiambag naman tayo sa ating bayan!”

Halatang masama talaga ang loob ni Coco sa taong tinutukoy niya dahil may meron pa siyang dagdag na mensahe sa taong ito.

Aniya; “Sana lang bago ka mawala sa mundo, alam mo sa sarili mo na may naibahagi kang kabutihan sa iyong kapwa hindi  puro paninira!”

Pinagdiinan ng Kapamilya Primetime King na hindi siya magsasalita sa isyung kinasangkutan niya.

“Pasensya ka na ang desisyon ko ay panatiliin tahimik ang buhay ko at sana naintindihan mo!!! God bless…” huling pahayag ni Coco.

Wala pang isang oras na nai-post iyun ni Coco, pinutakti na ito ng mga komento.

Marami ang nagbigay ng suporta at naintindihan nila ang ipinupunto ng aktor, pero meron ding patuloy pa ring nangu­ngulit kung tala­gang nanganak nga ba si Julia Montes.

Kaya minabuti na lang niyang tanggalin ang comments section ng kanyang IG account.

May kasunod pa siyang post na quote card na obvious na sa taong iyun pa rin niya ito tinutukoy.

Sabi ng quote na ipinost niya; “If you don’t know the whole story, shut up.”

Meron pang “I am only responsible for what I say not what you understand.”

Ngayon ko lang nakitang nag-rant ng ganun si Coco sa kanyang social media account, kaya ob­vious na galit na ito.

Marian ipinasilip na ang mukha ng baby boy

Napaka-positive rin ng Easter Sunday post ni Marian Rivera kahapon na kung saan first time niyang ipinakita ang mukha ng baby boy nila ni Dingdong Dantes na si Jose Sixto G. Dantes IV o si Ziggy.

Iyun ang isa rin sa bumulaga na post ng GMA Primetime Queen na kaagad pinutakti ng pagbati at papuri sa napaka-cute nilang baby.

Two day old pa lang ang baby na kalung-kalong ni Dingdong sa post na iyun ni Marian.

Sabi ni Marian sa kanyang post na iyun; “Noon, nangarap kaming magkaroon ng supling at binigyan Niya kami ng isa. Makalipas ang tatlong taon, humingi kami at ibinigay Niya.

“Ang magkaroon ng isa pang lalaking anak ay sagot sa aming mga dasal, kaya’t nag-uumapaw ang aking puso at biyayang ito. Akala ko hindi kakayanin, ngunit, nakaraos ako dahil sa suporta ng mga nagmamahal sa pamilya namin, lalung-lalo na dahil sa mga dasal niyong lahat. Maraming salamat ngayong nabuhay na ulit si Hesus, muling ipinapaalala ng araw na ito na lahat tayo ay biyaya ng Diyos sa isa’t-isa.

“Happy Easter. Ito na marahil ang pinakamasayang Pasko ng Pagkabuhay ng aking buong pakikipagsapalaran sa mundong ito, dahil sila---si Dong, si Letizia, at si Sixto---sila ang aking buhay.”

Iyun pa lang muna ang puwedeng mai-share sa ngayon ni Marian.

Mamaya naman ay pipirma si Dingdong ng renewal niya bilang Kapuso ar­tist sa GMA 7. Doon na niya siguro ikukuwento ang mga hirap ni Marian nang iniluwal niya si Baby Six o Ziggy.

Jennylyn kinabahan kay Gabby

Mamayang gabi pagkatapos ng Sahaya na mapapanood ang Love You Two, ang bagong romcom series ni Jennylyn Mercado sa GMA Telebabad.

Sa pilot episode pa lang ay kitang-kita nang kumportable ang Kapuso Ultimate Star sa kanyang role dahil nakagawa na siya ng ganitong tipo sa mga nakaraan niyang pelikula.

Ang medyo kabado raw siya talaga ay nung mga unang taping days niya kasama si Gabby Concepcion.

“Kinakabahan talaga ako nung una kasi siyempre Gabby Concepcion yan eh.

“Nung mga unang eksena ko talagang nabubulol ako, hindi ko ma-memorize yung linya ko. Ganun ka ano kakaba,” kuwento ni Jennylyn.

Nung una nga ay Sir Gabby pa ang tawag niya sa aktor, pero naging kumportable naman siya bandang huli dahil napakabait naman daw sa kanya ni Gabby na talagang napakagaan daw katrabaho sa taping.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with