^

PSN Showbiz

Mocha desperadong mapansin?!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Mocha desperadong mapansin?!
Mocha Uson

May bagong isyu na naman pala kay Mocha Uson. Medyo matagal-tagal na rin siyang nanahimik para lamang muling manggulat ng mara­ming netizen sa paglalagay ng kanyang hubo’t hubad na larawan sa social media. Hindi bale kung wala lang siyang saplot sa katawan, wala na marahil magugulat dito pero, ang siste ngayon ay pininturahan ang buo niyang katawan ng bandila ng Pilipinas. Sino ba naman ang hindi mababastos sa panibago niyang gimmick lalo’t tumatakbo siya bilang party­list representative ng AAA Kasosyo. Wala bang nagpapayo sa kanya? Tsk. Tsk. Tsk.

Gerald at Julia hinahanapan pa rin ng chemistry

Makakatulong ng malaki sa Between Maybes yung ginawang pagpapalabas ng ABS-CBN sa TV ng My Perfect You nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach.

Si Julia Barretto naman ang partner ng boyfriend ni Bea Alonzo sa movie na tinataasan ng kilay ng marami dahil para raw walang chemistry ang dalawa. Napakaganda ng partnership nina Gerald at Pia sa MPY, hindi mahirap isipin na magiging bagay din sila ng ka-loveteam ni Joshua Garcia. Nami-miss na ang aktor sa big screen, dahil ba nagko-concentrate siya sa basketball?

Laurice, Charo at Marilou lifetime achievers ng Famas

Tatlu-tatlo ang lifetime achiever ng Famas this year – sina Laurice Guillen, Charo Santos Concio at Marilou Diaz Abaya (sln). Karapat-dapat lang sila sa parangal dahil lahat sila ay kinilala sa kanilang chosen fields of endeavor at aktibo pa sa kanilang mga trabaho. Maligayang bati sa kanila.

Kathryn malaki ang iginaling sa acting

Muling pinatunayan ni Kathryn Bernardo na karapat-dapat mapansin ang malaking improvement ng kanyang akting sa The Hows of Us.

Napanood din ito sa TV for the first time nung Mahal na Araw. ‘Yung akting niya ay worthy of a best actress nomination. Daniel Padilla’s partner has gone a long way as far as acting is concerned. Hindi lang maganda ang The Hows of Us, magaling din ang dalawang bida nito.

vuukle comment

MOCHA USON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with