^

PSN Showbiz

Arci, naging sugar mommy sa bf noon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Arci, naging sugar mommy sa bf noon
Arci

Palabas pa rin sa mga sinehan ang pelikulang Last Fool Show na pinagbibidahan nina Arci Muñoz at JM de Guzman. Writer/director ang role ng aktres sa nasabing proyekto kaya nahirapan daw talaga si Arci dito.

Para sa dalaga ay hindi niya kaya ang mga ginagawa ng isang direktor sa totoong buhay. “Hindi ko yata kaya, nakikita ko sila eh. Actually pinag-aralan ko, nag-observe ako. Nakapag-direct na ako ng music video pero malayo siya sa pelikula at soap (opera),” pagbabahagi ni Arci.

Pinagmasdan daw ng aktres ang bawat galaw o trabaho ng kanilang direktor na si Eduardo Roy, Jr.  habang ginagawa ang buong pelikula. “No’ng ginagawa kasi namin ‘yung pelikula, parang ang dali-dali lang ng mga shot and ‘yung mga ginagawa namin kasi nga light lang ‘yung story. Pero nung pinapanood ko na, sabi ko, ‘Saan ‘yun doon? Saan niya ‘yun kinunan? Saan niya nilagay ‘yung camera?’” paglalahad ng dalaga.

Samantala, masayang ikinuwento ni Arci ang kanyang kabaliwan sa pag-ibig noon. Naranasan daw ng aktres na ipamili ng mga gamit sa bahay ang dating karelasyon. “Eh kasi nga lalaki talaga ako sa relationship. ‘Pag mayroon akong boyfriend talagang give, give, give, sugar mommy nga ako,” natatawang pahayag ni Arci.

“So nag-renovate kami ng room, ako lang mag-isa at ‘yung driver ko. Pininturahan ko ‘yung pader ng ex ko. Bumili ako ng kama, mga furniture. Lalaki nga talaga ako, promise,” natatawang kwento aktres.

Jericho, ayaw magmukhang pera

Sa susunod na linggo ay magtatapos na ang teleseryeng Halik na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Yam Concepcion, Yen Santos at Sam Milby.

Para kay Jericho ay nararapat lamang na wakasan na ang kontrobersyal na kwento ng kanilang serye. “It’s really, really unwise to extend the show further pa. It’s like we’re just doing it for the money. But I also suggested for a book two,” bungad ni Jericho.

Pagkatapos ng serye ay hindi na muna sasabak muli ang aktor sa paggawa ng mga soap opera at sa halip ay may gustong subukan na ibang bagay. “I’ve been working on soap operas and TV shows for twenty years now. I don’t want to do soaps anymore. Do I wanna stop TV? No, it’s a time for me to challenge myself. There’s digital, we don’t know where things are going. It’s a season where each and every actor can create, can direct, can produce, can write. I just want to create something new. Something in me is dying already. So I have to breathe new life into this career. So the next ten years, I don’t know. We’ll see,” paliwanag ng aktor.   (Reports from JCC)

vuukle comment

ARCI MUñOZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with