^

PSN Showbiz

Ding, Valentina, at love interest ni Darna, kailangan na ring magpa-audition

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Ding, Valentina, at love interest ni Darna, kailangan na ring magpa-audition
Eddie at Tony

Dahil sa nag-back out si Liza Soberano due to health reasons bilang Darna sa pelikulang ididirek sana ni Jerold Tarold for Star Cine­ma, back to square one na naman ang produksyon sa paghahanap ng bagong bida sa iconic character na nilikha ni Mars Ravelo.

Kasalukuyang naghahanap ang mga taga-Star Cinema ng bagong Darna.

Ang karakter ni Darna ay bahagi na ng Pinoy pop culture. Iconic na ang likhang ito ni Mars Ra­velo.

Pwede na rin nilang isama sa audition ang gaganap sa iba pang roles tulad ni Ding, Valentina at ang love interest ni Darna.

Basta maganda ang istorya at maganda ang pagkakagawa ng pelikula, naniniwala kami na tatangkilikin ng audience ang bagong Darna movie.

Eddie at Tony, tie sa Best Actor World Filmfest

Congratulations sa Team Rainbow’s Sunset sa panalo nila sa katatapos lang na World Film Festival Manhattan.

Nagwagi ang kanilang writer na si Eric Ramos ng Best Innovation Screenplay para sa pelikula na top-winner sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Kapwa nanalong Best Actor sina Mr. Eddie Garcia at Tony Mabesa (tie) sa pelikulang Rainbow’s Sunset na dinirek ni Joel Lamangan at prinodyus ng Heavens Best Entertainment sa katatapos lang na 52nd Worldfest Houston International Film Festival. 

Sina Eddie Garcia at Tony Mabesa ay hinirang na recipients ng Gold Remi Awards for Best Actor. 

Last December ay nagwagi ng Special Jury Prize for acting si Manoy Eddie samantalang ang batikang stage actor/director Tony Mabesa ay nagwagi naman as Best Supporting Actor sa Metro Manila Film Festival.

vuukle comment

EDDIE GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with