^

PSN Showbiz

Clint kinakayang mag-Tagalog

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Clint kinakayang mag-Tagalog
Clint

SEEN: Masaya si Shaira Diaz dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho sina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado sa Love You Two. Ikinuwento ni Shaira sa presscon ng bagong primetime television series ng GMA-7 na muntik nang hindi matuloy ang participation niya sa Love You Two dahil nagbago ang concept.

SCENE: Ex-girlfriend ng karakter ni Gabby Concepcion na naging kaibigan nito ang role ni Solenn Heussaff sa Love You Two. Co-stars nina Gabby at Solenn sina Jennylyn Mercado, Kiray Celis, Jerald Napoles, Michelle Dee at Freddie Webb.

SEEN: Struggle kay Clint Bondad ang pagsasalita ng Tagalog pero kinaya niya sa presscon ng Love You Two para ipakita sa lahat na seryoso siya sa kanyang acting career. Natawa si Clint sa comment ng isang entertainment editor na puwede siya na Mr. Universe.

SCENE: Boyfriend ng karakter ni Jennylyn Mercado ang role ni Clint Bondad sa Love You Two pero nakipaghiwalay siya dahil iba ang kanyang priority. Sa tunay na buhay, naghiwalay si Clint at ang girlfriend niya na si Catriona Gray dahil priority nito ang mga responsibilidad bilang Miss Universe 2018.

SEEN: Ang statement ni Ex Battalion member Jon Gutierrez na inaayos nila ng kanyang asawa na si Jelai Andres ang problema nila. Nagpakasal ang dalawa noong October 2018 pero naghiwalay makalipas ang ilang buwan. Sinabi ni Jon sa presscon ng Sons of Nanay Sabel na pagkatapos ng kanyang statement, hindi na siya magsasalita tungkol sa private life niya.

SCENE: Mga tunay na anak na ang trato ni AiAi Delas Alas sa mga mi­yembro ng Ex Battalion. Ayon kay AiAi, mga pasaway ang grupo pero talented at magagaling na artista. Ang grupo ang nag-compose ng lahat ng kanta na ginamit sa Sons of Nanay Sabel. Si Dado Lumibao ang direktor ng Sons of Nanay Sabel. Pinatotohanan ni Dado ang sinabi ni AiAi na magagaling na artista ang Ex Battalion, kahit nakaranas sila ng Take 17 nang kunan ang isang eksena.

SEEN: May special participation sa Sons of Nanay Sabel ang former Miss International na si Kylie Verzosa. Si Kylie ang object of affection ng Ex Battalion sa kuwento ng Sons of Nanay Sabel.

vuukle comment

SHAIRA DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with