^

PSN Showbiz

Mikee Quintos at Yasser Mata magtatambal sa Magpakailanman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Karamihan sa atin ay umaasang ma­ka­­katagpo ng taong mamahalin tayo habang buhay.

Pero minsan kahit gaano mo man ito alagaan o protektahan, bigla naman itong lalayo at kukunin sa ‘yo.

Hanggang saan mo kayang panghawakan ang pangakong “forever” kung ang tadhana ay naging mapaglaro sayo?

Ating balikan ang tagos sa pusong kuwento ng pag-ibig nina Llami at Mila na gagampanan nina Mikee Quintos at Yasser Mata.

Naniniwala ang magkasintahan na ang pag-ibig ay hindi natatapos kahit pa sa kabilang buhay.

Nagka-ibigan ang dalawa sa kabila ng malayong agwat ng kanilang edad. Nagsama sila at nagkaroon ng anak.

Katulad ng ibang magkasintahan, dumaan sila sa napakaraming pag-aaway at pagsubok. Naramdaman ni Mila na parang walang balak magpakasal sa kanya ang kabiyak pero agad naman itong napawi nang mag-propose si Llami sa kanya.

Sa kalagitnaan ng kanilang preparasyon para sa kasal, nangyari ang ‘di inaasahang aksidente. Galos lang ang tinamo ni Mila habang si Llami ay nagkaroon ng brain trauma na naging sanhi ng kanyang pagiging comatose.

Makayanan kaya niya ang panibagong pagsubok?

Makakasama sa nasabing episode sina Rita Avila, Leandro Baldemor, Lui Manansala, Prince Clemente at Yvette Sanchez na pinamagatang Nang Ako’y iwan Mo. sa ilalim ng direksyon ni Monti Parungao, mula sa panulat ni Jessie Villabrille at pananaliksik ni Cynthia Delos Santos.

Mapapanood ito ngayong Sabado, Abril 13, 2019, sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman, pagkatapos ng Daddy’s Gurl.

vuukle comment

MIKEE QUINTOS

YASSER MATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with