^

PSN Showbiz

Julia Montes tsinitsismis na nakatakip ang mukha nang manganak

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Julia Montes tsinitsismis na nakatakip ang mukha nang manganak

Tootsy ‘takot’ kumanta sa kampanya

Kahit araw ng Kagitingan, hindi nagpaawat ang Take It... Per Minute hosted by Nay Cristy Fermin and Nay Lolit Solis kahapon ng tanghali.

At tulad sa mga nakaraang episodes, maiinit ang mga pinag-usapan nila na ang isa ay ang walang kamatayang issue na nanganak na diumano si Julia Montes sa isang hospital sa San Juan. Pero ang catch doon, nang manganak diumano ito, may nakatakip ang mukha para hindi makilala.

Hahaha. Kaloka.

Sabi ni Nay Cristy, siyempre wala naman ‘yung confirmation sa kampo  nina Julia at Coco Martin na sinasabing ama diumano ng anak nito na sabi naman ni Nay Lolit Solis ay wala namang masama sakaling may ganun nga dahil babae naman si Julia. Ang mas masama ay kung mabalitang si Coco ang nanganak.

Hindi ko maalala ang mukha ng natsuging Kuya Escort sa It’s Showtime na diumano’y tumanggi sa offer ni Vice Ganda na condo at kotse kaya natanggal sa programa.

Ang alam ni Nay Cristy, maldito na ang nasabing Amerikano na nakarating sa bansa bilang misyonaryo ng isang sekta.

Pero ang siste hindi ito kilala ni Nay Lolit. Hahaha.

Si Ion na ang sinasabing karelasyon ni Vice na isa ring Kuya Escort ng noontime show ng ABS-CBN.

Napag-usapan din nila sandali si KC Concepcion na ang opinion ni Nay Lolit ay sana ay hindi na lang pinag-showbiz ni Sharon Cuneta para sana nanatili itong royalty ng showbiz eh feeling naman nila ay parang ayaw talaga nito sa showbiz dahil nga hindi ito nagpupursige  na magtrabaho.

Nadaanan din ng usapan ang tungkol sa daliri ni Liza Soberano na hindi natutupe, as in laging naka-straight dahil nga sa isang aksidente sa taping noon ng Bagani na rason nga para hindi siya tumuloy na Darna.

As usual, masaya ang kanilang tsikahan at tsismisan sa nasabing programa na dinadagsa ng mga nagdadala ng pagkain.

At pati personal shopper, may pa-t-shirt na sa dalawang institusyon na sa showbiz talk show.

Anyway, naging guest kahapon ng PSN digitalk talk show, si Ms. Tootsy Angara, wife ni Sen. Sonny Angara (muling kumakandidato) na medyo nakaramdam ng kaba bago isalang dahil dati raw napapanood lang niya sila Nay Lolit and Nay Cristy sa mga dati nilang programa na The Buzz and Startalk.

Naniniwala sina Nay Cristy and Nay Lolit na malaki ang naitutulong ng mga misis ng pulitiko kung mabait at mahusay makisama. At kasama nga rito si Madam Tootsy.

Light lang ang interbyuhan nila.

Kasalukuyang naka-leave si Madam Tootsy sa ABS-CBN. Siya ang head ng sales department ng Kapamilya Network.

Three months siyang naka-leave (without pay) para tumulong sa kampanya ng kanyang asawang senador na parang Korean superstar at hearthrob ang tingin ng dalawang host ng Take It... Per Minute.

Ano nga bang nararamdaman ni Madam Tootsy sa tuwing dinudumog ang mister niya sa kampanya? “Natutuwa ako na nakikita nila ang nakikita ko sa kanya,” natatawang sagot niya.

Saka sanay na raw siya. Fifteen years na pala silang kasal ni Sen. Angara at ganun na rin daw katagal na na-share niya ito sa publiko.

At puring-puri naman niya si Sarah Geronimo na tumulong nang una itong kumandidato dahil endorser ito ng father in law niyang si Sen. Edgardo Angara (na pumanaw last year) noong 2007. Ang bait daw nito, sobrang humble, professional at walang problemang kasama. Medyo mahiyain pa raw si Sarah pero bilib siyang pinagpatuloy nito ang pag-aaral sa UP Open University.

Anong klaseng asawa si Sen. Sonny? “Sobrang maalaga. One thing na hindi alam ng tao, grabe talaga ang sense of humor niya. Mahilig siyang mag-joke. Fifteen years na akong tumatawa kasama siya,” na sabi ni Nay Cristy maraming babae ang madaling ma-in love sa mga lalaking mahusay magpatawa.

May tatlong anak sila na ang isa nga ay si Manolo na kasalukuyang nasa Thailand para sa Junior Davis Cup Qualifiers kung saan member ito ng Philippine Team na coach lang nila ang kasama ng grupo.

Anyway, nabanggit din niya na hiwalay sila sa pangangampanya.

Pero kumakanta ba sila or siya pag nasa kampanya or sortie lalo na sa probinsiya? “Naku ha hindi, bawas boto,” biro ni Mrs. Angara.

Pero kuwento niya super hilig daw ng kanyang mister na mag-karaoke, ‘yung kinakabit sa cellphone na binili niya sa Lazada. Pero for their ears lang, at hindi puwedeng iparinig sa kampanya.

After the show ay nakatsika pa namin si Ms. Tootsy na parang hindi naman 44 years old. Favorite niya ang The General’s Daughter na usually ay pinapanood daw niya sa iWant.

At ito, hindi pala siya nagda-diet ha. Samantalang ang payat niya.

May regular coach silang pumupunta sa bahay na kung dati ay three times a week silang nakakapag-work out, lately ay once a week na lang dahil nga sa kampanya. Halos six hours na lang daw kasi ang tulog nila everyday.

Almost 70% pa lang ang naiikot nila (sa buong Pilipinas).

Nabanggit pa nitong hindi na siya affected ng mga nagsusulputang fake news.

At any rate, nagpapasalamat kami sa mga nanonood sa abroad na nakikisali sa discussion at nagsi-share ng episode 8 ng Take It... Per Minute.

More than 1 M na ang organic followers ng PSN Facebook page.

vuukle comment

COCO MARTIN

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with