^

PSN Showbiz

Sinag Maynila kulang sa ingay

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Sinag Maynila kulang sa ingay
Sylvia

Hindi ikinakaila ng entertainment writer-scriptwriter-turned film director na si Ronald Carballo na ang superstar na si Nora Aunor umano ang first choice to play the title role na Jesusa pero dahil sa pagkakaroon ng ilang hitches ay hindi umano ito natuloy at sa halip napunta ang role sa isa pang mahusay na aktres na si Sylvia Sanchez.

Very thankful si Sylvia kay Ronald na sa kanya ipinagkatiwala ang role dahil ito ang naging daan para makuha niya ang Best Actress award mula sa ika-limang taon ng Sinag Maynila Awards last Sunday, April 7 na ginanap sa Grand Ballroom ng Conrad Hotel in Pasay City.

Ang Sinag Maynila Independent Film Festival ay binuo ni Wilson Tieng ng Solar Entertainment at ng Cannes’ Best Director na si Brillante Mendoza nung  2014 kaya limang taon na ang nasabing indie filmfest.

Nakakapanghinayang lamang Salve A., na hindi gaanong maingay ang Sinag Maynila. Kung hindi pa nagkaroon ng awards night ay hindi pa malalaman ng publiko na ongoing na pala ang nasabing filmfest.

SFT hindi lang puro pulitika

Simula ngayong Abril 15, mula Lunes hanggang Biyernes ng alas-8 ng gabi  ay regular nang mapapanood ang online news ng GMA News and Public Affairs na Stand for Truth with award-winning broadcast journalist na si Atom Araullo as main host at mga segment host naman sina Richard Heydarian at Joyce Pring.

Ang 15-minute news program ay naka-live streaming via GMA Public Affairs’ YouTube channel ng GMA News Online at nakatakdang i-share sa iba’t ibang social media sites ng Kapuso Network.

Ang Stand for Truth ay magkakaroon din ng music segment na ihu-host ni Joyce Pring habang si Richard naman ang magbibigay ng on-the-spot analysis sa malalaking balita.  Magsisilbi namang mga reporter ang mga bata na sumailalim ng audition at trainings and workshops mula sa mga beterano at respetableng broadcast journalists ng Kapuso Network.

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with