^

PSN Showbiz

Parehong naka-B, The Fool... at Stranded may banggaan!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Parehong naka-B, The Fool... at Stranded may banggaan!

Parehong Graded B ng Cinema Evalution Board (CEB) ang dalawang pelikulang magbubukas tomorrow, Wednesday, sa mga sinehan, ang The Last Fool Show and Stranded.

Ang Last Fool Show ay pinagbibidahan nina JM de Guzman and Arci Muñoz.

Kanino kaya itong story? Parang true to life ang peg? Hahaha.

Tungkol kasi ito sa isang direktor na na-in love pero iniwan ng minahal na nakilala nang lokohin ng BF.

Bukod pa ito sa tinalakay sa kuwento ng pelikula ang kasalukuyang kalagayan ng mga pelikulang pinalalabas at kung paano makialam ang fans.

Hindi trying hard ang dating nina Arci at JM.

Ang bongga lang kay Arci, parang in demand siya sa Star Cinema habang ang ibang artista ay hindi nila nagagawan ng pelikula.

Ang Stranded naman ay ayos ang pre­mise.

Na-stranded sila nang magkaroon ng malakas na bagyo at doon nila nadiskubre ang kanilang mga tunay na nararamdaman samantalang matagal silang nagkaroon ng kanya-kanyang buhay bago nagkita.

Chill lang ang movie at hindi ka mapapagod panoorin.

Parehong chill movie actually ang The Last Fool Show and Stranded at sana ay parehong dagsain ng fans sa mga sinehan bukas.

Hindi pa napa-finalize ang pagpapalit ng araw ng unang araw ng pagpapalabas ng pelikula.

Nagkausap na ang mga industry leader na gawin itong Biyernes para ma-encourage ang karamihan na manood ng sine.

Anyway, ‘wag nang gawan ng issue na mag-ex sina JM and Jessy na parehong bida sa magkalabang pelikula.

vuukle comment

JM DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with