^

PSN Showbiz

Tootsy Angara makikipag-kuwentuhan kina Lolit at Cristy

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Tootsy Angara makikipag-kuwentuhan kina Lolit at Cristy
Tootsy

Si Ms. Tootsy Angara, ang butihing misis ni Senator Sonny Angara ang guest ngayong araw sa digital talk show nina Nay Lolit Solis and Nay Cristy Fermin na Take It... Per Minute na mapapanood sa Pilipino Star NGAYON Facebook Page, 12:00 to 1:00 p.m.

Bukod sa ginagawa niyang pagtulong sa kampanya ni Sen. Sonny, tiyak pag-uusapan ang tungkol sa anak nilang si Manolo na pasok sa Team Philippines na sasabak sa Junior Davi’s Cup Qualifiers. “Go Team Philippines !!! Please pray for Manolo and his team mates as they compete in Junior Davis Cup Qualifiers this week,” ang IG post ni Madam Tootsy the other day.

Kumakanta rin kaya siya pag nasa kampanya?

Or may nararamdaman ba siyang selos sa rami ng mga babaeng lumalapit sa mister na senador lalo na sa mga probinsiya pag nasa kampanya?

Or may oras pa kaya silang magkita sa bahay?

Nauna nang sinabi ni Pres. Duterte nang i-endorse niya ang senador na : “Wala akong nabalitaan na may kabit, may babae, na ganun. Kaawa naman siya. Para diyan na lang sa awa na ‘yan, si Sonny Angara.

“Kaya tama ‘yan magsimpatiya kayo. Biro mo araw-araw, ilang taon na doon ka lang sa isang bahay uuwi. Buti na lang nakatiis ka,” dagdag ng pangulo ng Pilipinas nang ipakilala si Sen. Sonny na kilalang palabiro.

Paano siya kinikilig doon?

There was a time ba na may nabalitaan siyang crush na iba o ‘na-link’ ang mister niya sa ibang babae?

Iniwan na nga kaya niya ang trabaho niya sa ABS-CBN?

Masasagot lahat ‘yan ni Madam Tootsy at marami pang iba, bukas ng tanghali sa Take It... Per Minute!, ang nangungunang digital talk show sa kasalukuyan.

vuukle comment

SONNY ANGARA

TOOTSY ANGARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with