^

PSN Showbiz

Darren Criss at misis nag-honeymoon sa Palawan

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Darren Criss at misis  nag-honeymoon sa Palawan
Darren at Mia

SEEN: Nagpapasalamat si Jay Manalo dahil fully healed na ang sunburned skin ng kan­yang anak na babae. Ipinapaalaala ni Jay sa lahat na mag-ingat at iwasan ang matinding sikat ng araw.

SCENE: Ngayong gabi, April 8, ang red carpet premiere ng Stranded sa Cinema 7 ng SM Megamall. Mga bida sa Stranded sina Jessy Mendiola at Art Atayde. Ang Stranded ang unang mainstream movie ng direktor na si Ice Idanan.

SEEN: Ang funny trailer ng Sons of Nanay Sabel, ang Mother’s Day presentation ng Viva Films na mapapanood sa cinemas nationwide sa March 1. Lead actress ng pelikula ang Comedy Queen na si AiAi delas Alas at launching movie ito ng Ex Battalion.

SCENE:  Marunong manood ng concert si Gary Valenciano dahil nakatutok ang kanyang atensyon sa mga performer nang panoorin niya ang The Cr3w noong Biyer­nes. Ni minsan, hindi ginamit ni Gary ang kanyang cellphone para kunan ng video ang performances nina James Reid, Billy Crawford at Sam Concepcion.

SEEN: Ang biro ni Edu Manzano na ito ang original Ironman dahil mahusay siya na magplantsa ng damit. Naging expert na plantsador si Edu nang magsilbi siya noon sa US Air Force. Si Edu ang pinapaboran ng millennial voters ng San Juan City na manalo na house representative ng nag-iisang distrito ng kanilang siyudad sa midterm polls sa May 13, 2019.

SCENE: Sa April 13, 2019 ang target airing ng Idol Philippines, ang singing television competition ng ABS-CBN. Host ng Idol Philippines si Billy Crawford at mga hurado sina James Reid, Vice Ganda, Moira dela Torre at Regine Velasquez.

SEEN: Nagbabakasyon sa El Nido, Palawan ang Hollywood Fil-Am actor na si Darren Criss at ang kanyang misis na si Mia Swier. Nasa honeymoon stage pa ang dalawa na ikinasal noong February 16, 2019 sa New Orleans, USA.

vuukle comment

DARREN CRISS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with