^

PSN Showbiz

Kapamilya at Kapuso stars nagsama-sama para i-promote ang pagdarasal

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kapamilya at Kapuso stars nagsama-sama para i-promote ang pagdarasal
Juday, Kim at Marian

Overload ang casting ng prayer brigade nina Archbishop Soc Villegas at Manay Marichu Vera Perez-Maceda dahil napagsama-sama nila ang stars ng ABS-CBN at GMA 7.

Sina Susan Roces, Kim Chiu, Judy Ann Santos, Matteo Guidicelli,  Maricel Soriano, Bayani Agbayani, Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Joshua Garcia, Julia Barretto, Karla Estrada, Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Coco Martin ang representatives ng Kapamilya network.

Sina Vic Sotto, Pauleen Luna, Maine Mendoza, Alden Richards, Wally Bayola, Ryzza Mae Dizon, Baste, Eric Quizon, Dennis Trillo, AiAi delas Alas, Christopher de Leon, Dingdong Dantes at Marian Rivera naman ang nag-represent sa Kapuso network.

Oh di ba, may laban ka sa casting? Ito ang isang patunay na basta sa Prayer for Peace, wala ang mga network war.

Pareho pala sina Alden at Bossing Vic na hindi umaalis ng bahay na walang dala na rosaryo. Pareho rin sila na nagdarasal tuwing umaga at gabi.

Ang sabi nga ni Bossing, maiwanan na nito ang lahat, ang kanyang wallet at cellphone, huwag lang ang Holy Rosary niya.

Ang sarap pakinggan na malalaking artista ang naniniwala sa miracle of prayers. Tuwang-tuwa si Bishop Soc sa cooperation na ipinakita ng mga artista at lahat ng involved sa naturang project.

Makulit si Manay Ichu sa pag-follow up sa mga artista at in fairness, ang mga kinausap na stars, sila pa ang tumatawag at nagtatanong tungkol sa date at venue ng taping nila para sa A World at Prayer is a World at Peace.

Mapapanood sa lahat ng mga sinehan, television networks at social media platforms ang napakaganda na advocacy nina Archbishop Soc at Manay Ichu.

Sure ako na magkakaroon ng inspirasyon ang lahat para magdasal kapag napanood nila ang malaking pananalig ng mga kilalang artista sa ating Panginoon.

Napanood ko na ang video ng project na mula sa direksyon ni Eric Quizon at touching talaga ang mga mensahe na ibinahagi ng 27 stars na personal na naranasan ang milagro ng Diyos, ang mga biyaya na ibinibigay Niya na bunga ng taimtim na pagdarasal.

Pray, believe, have faith and your prayers will be answered. Sa twenty seven stars, thank you for sharing your wisdom. God bless you all.

Ipinapanood ni Manay Ichu noong Biyernes sa kanyang mga kaibigan na entertainment press ang video ng A World at Prayer is A World at Peace.

Pagkatapos ng special screening, isang napakasarap na tanghalian ang ipinahanda ni Manay Ichu sa Vera Perez mansion na isa sa mga dahilan kaya hindi ako tumatanggi sa mga imbitasyon niya.

Napakasarap ng nilagang baka, daing na bangus, lumpia at ng minatamis na saging na sobrang kunat.

Nagkataon na may meeting si Betchay Nakpil at ang supporters ng Inang Mahal sa Vera Perez Garden noong Biyernes kaya naibigay na sa akin ang mga campaign paraphernalias para sa party-list ni Manay Gina de Venecia na number 69 sa balota.

Bongga ang pink belt bags, t-shirts, banners at pamaypay na ibinigay sa akin ni Betchay na ipamumudmod ko rin sa mga naniniwala na dapat magkaroon ng boses sa kongreso ang mga nanay.

vuukle comment

KAPAMILYA

KAPUSO STARS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with