^

PSN Showbiz

Buntis instant millionaire sa pera sorpresa...

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Buntis instant millionaire sa pera sorpresa...

Wow instant millionaire sa Pera Sorpresa 9, Radio GMA (RGMA)’s nationwide proof-of-purchase promo, ang listener ng Barangay FM 93.5 Dagupan na si Mechellie Cabrera.

Tinanggap ni Cabrera, kasama ang kanyang asawang si Renato, ang P1 million grand prize  mula kay RGMA President Mike Enriquez four days ago.

“Hindi lang ang mga nananalo ang tuwang-tuwa. Pati kami sa RGMA tuwang-tuwa rin dahil bukod sa pagpapasaya sa kanila sa pamamagitan ng mga programa ng iba’t ibang himpilan ng radyo sa buong Pilipinas, nabibigyan din natin sila ng tuwa, ligaya, at tulong sa ganitong mga pa-contest tulad ng Pera Sorpresa.

“Yung nanalo ay buntis ngayon at nakatakda siyang manga­nak sa susunod na buwan. Kaya swerte dahil kasabay ito ng pagkapanalo niya ng 1 million pesos cash na tax-free pa,” pahayag ni Sir Mike.

Isang sari-sari store owner si Mechellie mula sa Calasiao, Pangasinan, at kuwento niya, ang pinadala niya ay equivalent sa two sacks ng proof-of-purchase entries para magkaroon siya ng mas malaking pagkakataong manalo.

Gagamitin daw niya ang napanalunan para sa pangangailangan ng kanilang anak at bibili sila ng multi-cab para gamitin sa hanap-buhay.

vuukle comment

MECHELLIE CABRERA

MIKE ENRIQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with