^

PSN Showbiz

Bagong programa nina Atom at Joyce, may ‘truth overload’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bagong programa nina Atom  at Joyce, may �truth overload�

May bagong programa sina Atom Araullo at Joyce Pring na Stand for Truth ang title na mapapanood sa GMA News Online at GMA News Youtube.

Isa sa mga naipagmamalaki ng GMA-7 ang mga program ng GMA News and Public Affairs na talagang pinaghirapan ang lahat ng episodes na ipinalalabas.

Hindi nga ba for the longest time, laging nananalo ng awards ang mga television show nina Jessica Soho, Mike Enriquez at Arnold Clavio dahil bukod sa magaganda, pinag-isipan nang husto kaya malaki ang tiwala ng viewers sa mga programa ng GMA News and Public Affairs?

Sure ako na truth overload ang Stand for Truth, ang worth-watching show nina Atom at Joyce.

Sylvia at Rhea nag-swak...

Ang gandang tingnan nina Sylvia Sanchez at Rhea Tan sa renewal of contract ng aktres bilang celebrity endorser ng Beautederm noong Huwebes.

Kitang-kita na makikinis ang kutis nila at kahit summer ay mukhang very fresh sina Sylvia at Rhea.

Dalaga at binata na ang mga anak ni Sylvia na sina Ria at Arjo Atayde pero parang magkakapatid lamang sila dahil na-maintain ng mommy nila ang beauty nito.

Malaki na rin ang ipinagbago ni Rhea na isang dating mahiyain na enterpreneur pero may confidence na ngayon sa sarili at napakagaling ng PR kaya love na love siya ng mga showbiz writer.

Maganda ang combination nina Rhea at Sylvia na kitang-kita ang growing attachment sa isa’t isa.

Para silang magkapatid na tumutulong sa tagumpay ng bawat isa. Good for Beautederm to have an ambassador like Sylvia who is more than a sister to Rhea.

Good decision to stay with Beautederm Sylvia, right choice Rhea.

Beauty day ko noong Huwebes kaya hindi ko na natapos ang presscon para sa renewal ng contract ni Sylvia bilang endorser ng Beau­tederm. Nabalitaan ko na lang na nag-win ako sa raffle draw pero hindi puwedeng ibigay ang prize para hindi unfair sa mga nag-stay sa presscon.

No regrets dahil mas masaya ako na marami ang napaligaya ni Rhea. Ang feeling ng entertainment writers, Christmas in April dahil talagang namudmod ng mga papremyo ang very generous na si Rhea.

Pacquiao at Mayweather tuloy ang tapatan kay Belo

Cute naman na dalawang boxing legends ang endor­sers ng Belo Beauty Clinic ni Dra. Vicki Belo, sina Senator Manny Pacquiao at ang American boxer na si Floyd Mayweather Jr.

Puwede nang sabihin nina Champ Manny at Maywea­ther na only Belo touches their skin.

Cute na kahit mga boxer, nagpapa-beauty din pala at nag-undergo ng mga procedure para mapaganda ang kanilang skin.

Hindi nga naman porke athlete ka at lumalaban sa ring, basta mo na lang pababayaan ang mukha mo na dapat makinis para kapag sinuntok ka ng kalaban, maganda pa rin tingnan sa pictures.

Ang beauty treatment ni Dra. Belo kay Mayweather, Jr. ay patunay na kahit boxers, banidoso at maarte rin.

Gusto rin nila ng facial, thermage at ibang paraan ng pagpapa-beauty na ipinakita nina Papa Manny at Mayweather.

Bongga si Dra. Vicki dahil dalawang world boxing champions ang kanyang mga endorser. Siya lang at wala nang iba pa ang puwedeng makagawa niyan kaya unbeatable talaga si Dra. Vicki.

vuukle comment

ATOM ARAULLO

JOYCE PRING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with