^

PSN Showbiz

Angel hinihiritang ibalik sa Darna

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Angel hinihiritang ibalik sa Darna
Angel

Kanino kaya mapupunta ang role na Darna ngayong nag-back out na rin si Liza Soberano sa project which was originally intended for Angel Locsin na siyang unang nag-back out dahil sa pagkakaroon ng disc bulge sa kanyang spine habang nagti-training for the movie?

Hanggang ngayon pala ay nagti-therapy pa si Liza sa kanyang finger bone fracture na nakuha niya nung ginagawa pa niya ang Bagani TV series. Sumailalim na rin siya ng dalawang operasyon. Dahil sa physical requirements ng Darna, naniniwala ang ka-loveteam at kasintahan ni Enrique Gil na lalo lamang tatagal ang pagsisimula ng proyekto kung hihintayin pang gumaling ang kanyang kamay kaya nag-back out na rin siya.

Ngayong bakante na naman ang gaganap sa title role, marami ang nagsa-suggest na ibalik na lamang ang Darna kay Angel Locsin dahil mukhang kaya na nitong muli ang fight scenes and action routines tulad ng kanyang ginagawa at ipinapakita sa kanyang tumatakbong action-drama series na The General’s Daughter.

Sylvia hindi inakalang magiging effective na endorser

Muling lumagda ng panibagong kontrata ang veteran and award-winning actress, wife, mother and celebrity endorser na si Sylvia Sanchez with Beautederm na pinamamahalaan ng president at CEO ng kumpanya na si Rhea Anicoche-Tan.

Si Sylvia ang maiden celebrity endorser ng Beautederm na isa na ngayon sa mga top leaders and brands pagdating sa beauty and wellness.

Inamin ng mahusay na actress na si Sylvia na nung umpisa ay hindi siya makapaniwala na magiging effective endorser siya ng produkto na personal din niyang ginagamit at pinaniniwalaan.

“Nung panahong ginagawa ni Ate Sylvia ang The Greatest Love, hindi talaga ako bumibitaw sa panonood ng serye,” ani Rhea.

“Since kumikita na noon ang Beaute­derm, inisip kong kumuha ng endorser at si Ate Sylvia ang unang pumasok sa isip ko at hindi ako nagkamali,” pagtatapat ni Rhea.

“Dahil sa tulong ni Ate Sylvia, nakilala at lumago pa lalo ang aming kum­panya at mga produkto ng Beautederm hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.”

Bukod kay Sylvia na siyang signature model ng Beautederm, kabilang na rin sa lumalaking pamilya ng Beautederm endorsers para sa iba pang produkto ang anak niyang Arjo Atayde, ang mag-asawang Glydel Mercado at Tonton Gutierrez, Carlo Aquino, Alma Concepcion, Matt Evans at iba pa.

Ang Beautederm ay itinatag nung 2009 and is now celebrating their 10th anniversary in the beauty and wellness industry.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with