^

PSN Showbiz

Bashura walang magawa!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nangako ako na hindi ko ipo-post sa Instagram ang flowers at perfume na ipinadala sa akin ng aktor na mahal ko at ng kanyang manager.

Gusto ko pa rin i-post pero hindi ko na babanggitin ang name nila, basta mahal ko si aktor at ang manager niya na mabait na noon ko pa nirerespeto.

Napaka-thoughtful at very thankful nilang dalawa. Ay naku, baka bashing-to-the max na naman ang mga bashura na inggit sa gifts na natanggap ko pero sorry, wala pa rin sila mararating, hanggang diyan lang sila dahil wah ako keber! Ha ha ha ha!

Niña Taduran nagkaroon ng culture shock

Si Niña Taduran ang ka-tandem ni Raffy Tulfo sa radyo for 20- years kaya hirap ang kalooban niya na iwanan ang number one radio show nila, kapalit ang pagiging nominee ng party list na Anti-Crime and Terrorism through Community Involvement and Support or ACT-CIS na number 101 sa balota.

Matagal nang journalist si Niña, 28 years na at talagang public service ang binigyan niya ng atensyon.

Bongga nga dahil iba ang dating ngayon sa buhay niya ng bagong mundo na kanyang pinasok.

Medyo na- culture shock si Niña kaya napansin namin ni Cristy Fermin nang mag-guest siya sa programa naming Take It... Per Minute! na pumayat siya na bumagay naman sa kanya.

Nakakatuwa nga dahil libot siya nang libot para ipaalaala sa mga tao na 101 ang number na ilagay sa balota sa araw ng eleksyon.

Tandaan n’yo, binuo ni Papa Raffy  ang ACT-CIS  at alam natin na talagang nasa masa ang puso niya. Kapag may libreng oras si Papa Raffy, sumasama siya sa pangangampanya ni Niña at ng kanyang misis na si Jocelyn.

Goodluck kay “Congresswoman” Niña Taduran pero kapag natapos na ang eleksyon sa May 13, bumalik ka pa rin sa radyo dahil miss ka namin.

Jolo proud sa kanyang irog

Nasubaybayan ko ang lovelife ni Jolo Revilla kaya alam ko na matindi siya na magmahal at napakasuwerte ng babae na mamahalin at pakakasalan niya.

Nalungkot ako nang maghiwalay sina Jolo at Jodi Sta. Maria dahil para sa akin, perfect match sila pero may ibang plano yata ang tadhana para sa kanila.

Ang former Bb. Pilipinas 2016 runner up na si Angelica Alita ang bagong girlfriend ni Jolo at kitang-kita ko sa mga mata ng incumbent vice governor ng Cavite na in love na in love ito.

“Irog ko” ang tawag ni Jolo kay Angelica na sinamahan siya sa pangangampanya sa Dasmariñas, Cavite noong isang araw.

Siyempre, tuwang-tuwa si Jolo dahil naipakilala nito sa kanyang constituents ang bagong inspirasyon niya.

“Bago matapos ang araw na ito gusto ko lang magpasalamat sa aking irog ko na sinamahan ako sa a­king kampanya ngayong araw! I love you mahal ko!” ang pasasalamat ni Jolo kay Angelica na hindi na uli sumali sa Bb.Pilipinas, kahit marami ang nagbubuyo sa kanya.

First runner up si Angelica sa Bb.Pilipinas 2016, 20-years old siya noon at sina Maxine Medina at Kylie Verzosa ang batchmates niya.

Puwedeng-puwede pa na mag-join si Angelica sa Bb.Pilipinas sa mga susunod na taon dahil pasok pa siya sa age requirements, maliban na lang kung magdesisyon si Jolo na magpakasal na sila.

vuukle comment

JOLO REVILLA

NIñA TADURAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with