^

PSN Showbiz

Male personality na bahay na ang casino dinidila-dilaan ang datung pag nagbibilang

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung ang ibang artista ay nagtatago pa at kung anu-anong pagdi-disguise ang ginagawa kapag nagpupunta sila sa casino, ang isang kilalang male persona­lity naman ay walang pakialam, lantaran siyang nagpapakita sa lahat na naglalaro siya.

May isang female personality na nagka-casino, pero para hindi ito makilala ay gumagamit pa ng peluka, bukod sa wig na may iba-ibang kulay ay nakasalamin pa nang pagkalapad-lapad ang female personality.

Pero buking na rin ng mga nandu’n na ang babaeng ‘yun ay ang madalas nilang mapanood sa TV, umaga at gabi ay nasa telebisyon ang female personality, kaya lang ay nagtatago ito sa pagka-casino dahil bawal sa kanyang trabaho.

Kuwento ng aming source, “Kabog siya ng male personality na halos sa isang casino na nakatira. Pagkatapos ng work niya, fly na agad siya sa casino, lumalaro na siya. Walang disguise ang male perso­nality!

“Sa laki niyang ‘yun, e, hindi na maitatago pa ang kanyang identity. Hindi na nga siya pinapansin du’n ngayon, e! Paano naman, everyday siyang nandu’n! Ang nakakatawa lang, kung ano ang suot niya nu’ng gabi habang lumalaro siya, e, ‘yun din ang suot niya sa isang regular show niya sa tanghali!

“Hindi na siya nagbibihis, kung ano ang suot niya nang magdamag, hindi na siya nagpapalit ng damit. Dehins din siya siyempre goli, di ba naman?” simulang kuwento ng aming source.

Kung minsan ay wagi ang male personality, pero mas madalas na hindi niya kakampi ang mga nilalaro niyang makina, natatalo siya. Pero okey lang ‘yun sa kanya. Hindi siya nagwawala kapag sinisimot ng machine ang kanyang pera.

“Minsan, makikita mo siyang nagbibilang ng datung sa isang sulok. Ibinubukod-bukod na kasi niya ang datung niya. Ihihiwalay na niya ang puhunan niya, binibilang niya kung magkano na ang panalo niya, ganu’n.

“Para siyang tindera sa palengke na habang nagbibilang ng kadatungan, e, dinidilaan pa niya ang pera, kasi nga, e, magkakadikit! Nakakaaliw siyang panoorin, sa totoo lang!

“’Yun na ang buhay niya, ang pinagkakalibangan niya, ikalawang tahanan na niya ang casino. At mahal na mahal siya du’n ng mga kababayan natin three times a day!” tawa pa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Lalaking may polyo, ibinida ang pagiging mahusay na singer sa ASAP

Gustung-gusto namin ang ginagawa ng ASAP Natin ‘To kung saan binibigyan nila ang pagkakataong makapag-perform sa musical show nila ang mga kababayan nating nagba-viral sa pagkanta.

Mga ordinaryong tao sila na nireregaluhan ng ASAP ng pagkakataong makasama ang kanilang mga idolo sa entablado. Napakalaking karangalan nu’n para sa kanila, hindi nga naman lahat ay nabibigyan ng ganu’ng kagandahang tsansa, napapanood sila sa buong mundo.

Nu’ng nakaraang Sunday ay isang nag-viral na may polyo ang pinakanta ng ASAP kasama sina Martin Nievera, Erik Santos, Jed Madela at Zsa Zsa Padilla.

Sa introduction video bago ang kanyang pagkanta ay pumikit ka lang, sasabihin mong si Martin Nievera ang kumakanta, dahil plakado niya ang boses ng magaling na singer.

Siya si Gerald Hernandez ng Tondo, ipinanganak na may polyo, tinutukso-tukso nu’ng kanyang kabataan ng mga walang kunsensiya.

Ang kanyang talento ay pagkanta talaga, paborito niya ang mga piyesa ni Martin Nievera, umani nang milyong views ang kanyang video.

Napakaganda ng kanyang boses, buung-buo, wala kang mapapansing flat at sharp sa kanyang atake. Ang nakakaemosyonal sa kanyang pagkanta ay ang paghawak niya ng mikropono.

Balukot ang magkabila niyang kamay na payat na payat, pero hindi ‘yun nakakaapekto sa ganda ng kanyang boses, inaangkin niya ang mundo.

Napapaluha si Zsa Zsa, isang buhay na halimbawa nga naman kasi si Gerald Hernandez sa katapangan sa pagharap sa buhay, ang kapansanan niya ay hindi naging hadlang sa kanyang pangarap.

Sana’y ipagpatuloy pa ng ASAP Natin ‘To ang paghahanap ng mga kababayan nating punumpuno ng talento pero sinasarili lang ang kapasidad nila sa pagkanta.

Maganda ang kanilang ginagawa, nagsisilbing inspiras­yon ang tulad ni Gerald Hernandez na may kapansanan man ay patuloy lang na lumalaban, minamarkahan ‘yun ng mano­nood.

 

vuukle comment

JED MADELA

MARTIN NIEVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with