^

PSN Showbiz

Maymay, excited makasama ang KathDen!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maymay, excited makasama ang KathDen!
Maymay

Masayang-masaya si Maymay Entrata dahil makakasama ang aktres sa pelikulang pagtatambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Si Cathy Garcia-Molina ang direktor ng bagong proyekto mula sa Star Cine­ma. “Ang movie po ni Ms. Kathryn at si Sir Alden, woooh! Makakasama po ako do’n. Sobrang kakaiba ‘yung story nila. Tapos kakaiba ‘yung support ko dito kay Ms. Kathryn,” nakangiting pahayag ni Maymay.

Matatandaang nagkatrabaho na sina Kathryn at Maymay sa teleseryeng La Luna Sangre na pinagbidahan noon ng tambalang KathNiel. Excited na raw muli ngayon si Maymay na makatrabaho ang aktres. “Sobrang excited na ako, kahit na-support na po talaga ako sa La Luna pero na-excite pa rin ako dito sa upco­ming movie ni Ms. Kathryn Bernardo,” dagdag pa ng dalaga.

Nakatakdang lumipad ni Maymay patungong Hong Kong kung saan kukunan ang karamihan sa mga eksena ng bagong pelikula. “Parang three weeks po siguro, pero kaya naman po. Mabait naman po ‘yung cast po at saka si direk Cathy. Maraming salamat din po ma’am kung isa ka man po sa mga sumang-ayon na maging parte po ako ng cast n’yo. Maraming salamat po, talagang  napakalaking oportunidad po ito,” pagtatapos ng aktres.

Samantala, pinagha­handaan na rin ni Maymay ngayon ang kanyang grand album launch na gaganapin sa Skydome sa April 28. Makakasama ng aktres sa nasabing event ang katambal na si Edward Barber.

Ara gets na gets ang pagiging single mom ni Cristine

Suportado ni Ara Mina ang pagiging single mom ng nakababatang kapatid na si Cristine Reyes. Para sa aktres ay wala namang masama sa pagiging single parent nilang magkapatid. “Welcome to the club! Masa­yang maging single mom. Idol niya talaga ako,” natatawang pahayag ni Ara.

Mas madalas daw na magkasama at nakakapag-bonding ngayon sina Ara at Cristine mula nang napahiwalay sa asawang si Ali Khatibi. “Siyempre before, naiintindihan ko naman ang buhay may asawa. Hindi naman all the time, maibibi­gay ‘yung oras sa amin. Ngayon mas may time kahit busy siya nakikipag-connect siya,” kwento ni Ara.

“Swerte nga siya kasi may mga older sisters siya. No’ng time ko, siyempre ako ang panganay, noong mag-isa lang ako sa showbiz, mag-isa kong sinalag ang mga intriga. Eh ngayon may kapatid siya na nakasalag din,” dagdag pa ng aktres.

Samantala, mahigit apat na taon nang hiwalay sina Ara at Patrick Meneses pero nanatiling magkaibigan para sa kanilang anak. Sa ngayon ay nakahanda na raw muling makipagrelasyon ang aktres. “Actually, in-open ko na ‘yung lock. Hanapin na lang ‘yung susi. Siguro naman (handa na), four years na. I think siguro time na magkaroon soon. Pero hindi ‘yan minamadali, hindi hinahanap, dumadating,” pagtatapos ni Ara. (Reports from JCC)

vuukle comment

CRISTINE REYES

MAYMAY ENTRATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with