^

PSN Showbiz

Bea maraming beses nang na-burnout sa trabaho

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bea maraming beses nang na-burnout sa trabaho
Bea

Ngayon maligaya kay Gerald

Hindi lamang daw minsang naisipan ni Bea Alonzo na talikuran na ang show business. Para sa aktres ay dumarating talaga sa puntong nakararamdam na siya ng pagod lalo pa’t kabi-kabila ang ginagawang trabaho.

“Talagang darating ka na mabu-burnout ka. Actually, hindi na ‘yung process of acting na ‘yung nakaka-burn out eh. It’s the system also. Siyempre di ba may mga bagay, hindi naman walk in the park all the time ‘yung trabaho natin di ba? Kapag nangyayari sa akin ‘yon, bumabalik ako doon sa bakit ko siya ginagawa? Bakit ako nandito? Bakit ako inilagay sa posisyon kung nasaan ako,” makahulugang pahayag ni Bea.

Labingwalong taon na ang nakalilipas nang magsimula si Bea sa industriya. May payo ang aktres para sa mga artistang nagsisimula pa lamang sa kanilang karera. “Mag-uumpisa doon sa mahalin mo muna ‘yung ginagawa mo. You have to be fulfilled. You also have that passion for the craft,” paglalahad ng aktres.

Samantala, hindi pa raw napag-uusapan ng aktres at kasintahang si Gerald Anderson kung saan sila magbabakasyon ngayong summer. “Wala pa, hindi kami nakakapagplano kasi ngayon nasa Japan siya, may ginagawa silang pelikula kasama si Julia Barretto. So hindi pa namin napag-uusapan kung saan kami pupunta. Pero sana beach,” pagbabahagi ni Bea.

Keempee, nalulong sa alak dahil sa depresyon

Isang dekada nang walang karelasyon si Keempee de Leon. Kung papipiliin ay ang babaeng papakasalan na raw ang gustong makilala ng aktor. “Mas pinipili ko ‘yung talagang seryosong relasyon na. Siguro marrying type, going there as I age talaga,” nakangiting bungad ni Keempee.

Aminado ang anak ni Joey de Leon na maraming mga pagsubok ang naranasan sa buhay kaya nahilig din sa pag-inom ng alak noon. “Hindi naman sobrang alcoholic. I got into a depression for two years. Katulad ng ibang tao, alcohol, iinom para makalimot. So dumating ako sa point na gano’n. Alam ko po ‘yung limitation ko. Merong message ‘yung pastor do’n na ‘wag nating sirain ang buhay natin. Kailangan enjoy-in natin ‘to. Kailangan sa magandang paraan. Bakit ko ba ginagawa ito na nagmumukmok ako. I have to move on,” pagbabahagi ng aktor.

Malaki ang pasasalamat ni Keempee sa pamunuan ng ABS-CBN dahil muli siyang nakabalik sa trabaho. Kabilang ang aktor sa teleseryeng Nang Ngumiti Ang Langit na napapanood tuwing tanghali. “Thank you po sa ABS, Boss Roxy Liquigan, direk Ruel Bayani, maraming-maraming salamat po, sobra. FM Reyes, thank you very much direk. Buong ABS-CBN, salamat po sa pagtanggap po uli sa akin dito,” emosyonal na pahayag ni Keempee.     (Reports from JCC)

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with