^

PSN Showbiz

Migo kailangan ng counseling, nasobrahan na ng yabang!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Dapat siguro sumailalim ng counseling ang 19-year-old Kapuso actor na si Migo Adecer nang mawala ang yabang nito sa katawan.

Last Tuesday, March 26 ng hapon ay naaresto si Adecer dahil sa kasong hit-and-run at pagsuway nito sa dalawang alagad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na tinakbuhan umano nito.  Pinilit pa umanong inatras ang kanyang sasakyan kaya ito’y nakabangga ng ibang sasakyan na naging sanhi ng pagkakadala sa pagamutan ng lulan nito.

Sasailalim din umano ang actor ng test kung hindi ito lasing o nakainom ng alak habang nagma­maneho.  Bago ang nasabing insidente ay may traffic violation din umano ang actor sa may Rockwell in Makati.

Si Migo ang ika-6th season Ultimate Survivor ng talent reality show na Starstruck at isa sa mga contract talents ngayon ng GMA Artist Center.

Anak ni DJ Chacha gusto na agad i-adopt ng mapapangasawa

Tuloy na tuloy na ang napipintong kasal ni Czarina Marie Balba na mas kilala bilang si DJ Chacha, ang kilalang showbiz correspondent ng DZMM at primetime DJ ng 101.9 ng MOR hosting Heartbeats sa fiancé niyang businessman na si Michael Guevarra sa darating na May 30.

Naging ex-PBB housemate din si Chacha and a single mom to Sabb sa kanyang dating nakarelasyon.

After six years of dating, sina Chacha at Michael got engaged in August last year nang magbakasyon ang dalawa in Bangkok, Thailand na may basbas ng kanilang respective families.

Aminado si Chacha na kahit meron silang wedding coordinator, hands-on pa rin umano siya sa mga detalye. Ang anak niyang si Sabb ang tatayong Maid of Honor.

Ilan sa mga tatayong godparents ay sina Kaba­yan Noli de Castro, Ted Failon, Roxy Liquigan, ang singer-actress-TV host na si Karla Estrada at iba pa.  Tiyak namang may papel sa kasal nila ni Mike ang close friends niyang sina DJ Jhai Ho, DJ Onse at sina Jinri Park at Elisse Joson na parehong naging close friends ni DJ Chacha sa PBB: Lucky Seven season.

Samantala, sa recent guesting ni DJ Chacha sa Magandang Buhay, inamin nito na gustong i-adopt ni Mike ang kaisa-isang anak ni Chacha na si Sabb pero ito’y depende na rin sa magiging desisyon ng biological father ng bata.

Kambal ni Korina, nakita na ang half brother

Finally ay nakita na ng panganay na anak ng senatoriable na si Mar Roxas na si Paolo Roxas (sa dating beauty queen na si Maricar Zaldariaga) ang kanyang twin half siblings na sina Pepe and Pilar sa kanyang step-mom, ang vete­ran journalist at TV host na si Korina Sanchez-Roxas.

Mula California ay lumipad si Paolo patungong Pennsylvania, USA para lamang makita ang kanyang baby brother and baby sister. Tuwang-tuwa si Paolo na isa-isang kinarga ang kanyang twin siblings. Sina Pepe at Pilar ay isinilang sa pamamagitan ng surrogacy sa Amerika last February 21.

Liza kakaiba ang PR

Nakakatuwa naman ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) chair na si Liza Diño-Se­guerra dahil ito pa mismo ang lumapit sa amin ni Rey Pumaloy sa aming kinauupuan sa loob ng Trinoma cinema kung saan ginanap ang premiere night ng unang action movie ni Cristine Reyes, ang Maria na dinirek ni Pedring Lopez at showing ngayon sa mga sinehan nationwide.

Ikinuwento sa amin ni Chair Liza na malapit na ang pagsisimula ng ikatatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP)  sa September 12 hanggang September 18, 2019 na itataon sa centennial celebration ng Philippine Cinema.

vuukle comment

MIGO ADECER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with