^

PSN Showbiz

Heaven at Jimuel Pacquiao kumpirmadong magdyowa na!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Heaven at Jimuel Pacquiao kumpirmadong magdyowa na!
Heaven & Jimuel

Noong Lunes ay nag-post si Dyan Castillejo sa Instagram stories ng kanyang interview kina Heaven Peralejo at Jimuel Pacquiao kung saan nakumpirma ng sportscaster na opisyal nang magkasintahan ang dalawa ngayon.

Kamakailan ay napabalitang nagde-date na umano ang aktres at ang panganay na anak nina Manny at Jinkee Pacquiao. Ayon kay Heaven ay ilang taon na ang nakalilipas nang una silang nagkita at nagkakilala ng binata.

“Two years ago, nasa Greenbelt lang kami ni mom, shopping, ganyan. Tapos biglang he saw us. ‘Yung family niya, ‘yung mga pinsan niya, tapos nagpa-picture lang sila,” nakangiting kuwento ni Heaven.

“Nagpa-picture lang kami no’n, ‘Thank you,’ ‘yon lang. One year later nag-meet ulit kami same place tapos coincidence, same month, April din,” dagdag naman ni Jimuel.

Nang maging panauhin sa Tonight with Boy Abunda si Heaven kamakailan ay naitanong din namin sa dalaga kung nililigawan ba siya ni Jimuel. “It’s a lie, hindi. Friends po kami. Feeling ko alam niya po kasi ang priority ko ngayon na trabaho po muna,” ang naging sagot ng aktres.

Jay-R at Mica parang kinasal na

Napabalitang nagpakasal na umano ang magkasintahang sina Mica Javier at Jay-R. pumutok ang balita nang lumabas ang mga larawan ng magkasintahan na nasa isang beach sa Calatagan, Batangas. “No, we’re not. Those were just pre-nup photos. Not yet, next year pa. Nauna lang ‘yung pre-nup shoot,” paglilinaw ni Mica.

Matatandaang noong isang taon lamang nag-propose ng kasal ang singer sa dalaga.

Ayon kay Mica ay mabilisan lamang ang naging photo shoot nila sa Batangas kamakailan. “Basically the team just looked through my Instagram feed to get an idea of my personality and Jay-R’s also. Then we got together and we decided na parang rustic seaside na medyo vibes namin ‘yon eh. Kasi chill lang kami and we love adventures, we love the beach. So when we got there, we really had no idea of what we were going to do. It was like a four-hour drive and we just brought dresses and suits and we just mixed and matched with whatever the backdrop was going to be. So it was very spontaneous,” nakangiting kwento ni Mica.

Kahit hindi masyadong napaghandaan ay maganda naman ang kinalabasan ng mga larawan ng magkasintahan sa nasabing pre-nuptial shoot. (Reports from JCC)

vuukle comment

HEAVEN PERALEJO AND JIMUEL PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with