^

PSN Showbiz

Agot umamin na sa relasyon sa senatoriable

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Agot umamin na sa relasyon sa senatoriable
Agot

Hindi man idinetalye pero parang inamin na rin ni Agot Isidro na may namamagitan sa kanila ngayon ng isang senatoriable na si Pilo Hilbay.

Nag-guest pa nga raw si Atty. Hilbay sa isang online program pero hindi siya napaamin kahit anong piga sa kanya.

Si Agot naman ay nag-guest sa pilot episode ng radio program ng kaibigang Noel Ferrer sa Radyo Katipunan 87.9 kahapon, at kaswal lang ang usapan nila tungkol sa kanyang lovelife ngayon.

Magkaibigan naman kasi silang dalawa, kasama pa ang isang guest na si Pia Hontiveros, kaya mahirap na kung i-showbiz pa ni Agot ang mga sagot.

Inamin ng singer/actress na dalawang taon nang nakaraan nang magkakilala sila ni Atty. Hilbay, na kung saan nagkasama sila sa isang grupo. “Nag-meet kami yung mga meeting ng mga progressive minds, yung ganun. Nag-meet kami dun, naging smaller group yun, tapos yun we met often, then kami na lang nagmi-meet,” bahagi ng kuwento ni Agot.

Sa nakaraang interviews naman nila ay nakikita kay Agot na sobrang hinangaan niya ang dating Solicitor General. Natatalinuhan siya at gusto niya ang takbo ng isip nito. “I respect him, he respects me. Karespe-respeto yung tao, di ba? Saka nakakahanga. Gusto ko kasi yung tinitingala ako,” sabi pa niya sa interview sa kanya ni Noel.

Nagsimula lang ito nang sumama si Agot sa campaign ng grupo ni Hilbay sa Hong Kong, at nakitaan na ng ilang reporters na nag-cover doon na may something talaga silang dalawa.

Kaya naman ngayon ay puspusan ang pagtulong ni Agot sa pangangampanya ng kanyang senatoriable.

Sabi pa niya sa usapan nila ni Noel at Pia, nakikita naman daw sa itsura niya na sa tamang tao siya nagmahal. Kaya, yun na! Nakikita namang masaya siya.

Jak pressured sa buhay ng macho dancer

Pressured si Jak Roberto dahil siya ang bida sa kuwentong ilalahad ng Magpakailanman na mapapanood mamayang gabi.

Tampok kasi sa programa ni Mel Tiangco sa GMA 7 ang kuwento ng nag-viral na dating macho dancer na si Dante Gulapa na tinawag nilang si Big Papa.

Na-feature ang kuwento ni Dante o Big Papa sa Kapuso Mo Jessica Soho na kung saan isinali pa roon sina Ruru Madrid at David Licauco na nagpu-promote pa noon ng TODA One I Love.

Magmula nun, bumalik ang interes sa dating macho dancer at kinuha na itong regular na magsu-show sa lahat na branches ng Padi’s Point at naimbitahan sa ilang special shows sa ilang gay bars.

Nagulat nga ako nang magtanong sa akin ang isang talent coordinator ng Ang Probinsyano kung paano ma-contact si Dante. Interesado pala silang kunin ito, pero hindi ko naman alam kung paano siya mako-contact.

Naikuwento naman ni Dante sa interview sa kanya na kumontak na nga raw sa kanya ang taga-Ang Probinsyano na mag-guest doon pero tumanggi raw siya dahil itatali raw siya sa programang iyun at hindi na niya magawa ang ibang natanguan niya.

Ang bongga niya, tinanggihan ang teleserye ni Coco Martin, dahil sa dami ng commitments niya.

Heto nga at lalong dumami ang nagkainteres sa kanya, at kaagad ginawa ng Magpakailanman ang kuwento niya.

Samantala, hanggang kay Barbie Forteza ay nagpasiklab si Jak ng macho dancing. Kaya sabi ni Barbie, aabangan niya itong The Dante Gulapa story na mapapanood sa Magpakailanman mamayang gabi.

vuukle comment

AGOT ISIDRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with