^

PSN Showbiz

Kambal ni Korina wala pang go signal na bumiyahe ng ‘Pinas!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Kambal ni Korina wala pang go signal na bumiyahe ng �Pinas!
Pepe en Pilar

Nag-one-month old na ang twins ng mag-asawang Mar Roxas at Korina Sanchez-Roxas na sina Pepe at Pilar. Isang araw bago sila mag-one month old ay pina-bless na ang kambal kay Fr. Steve ng Sacred Heart Church in Pittsburg, Pennsylvania, USA in the presence ng dala­wang kamag-anak ng mag-asawang Mar at Ko­rina na sina Rosanna Fores at Jose.

Gusto kasi ni Korina na ma-blessed muna ang kambal bago sila maiuwi sa Pilipinas kung saan gaga­napin ang binyag ng twins. Nauna nang umuwi ng Pilipinas ang mister ni Korina na dating senator at former DILG Secretary para sa kampanya ng kanyang kandidatura sa pagka-senador. Hihintayin lamang ni Korina ang go signal ng doctor ng kanilang twins kung puwede nang ibiyahe sina Pepe at Pilar patu­ngong Pilipinas.

Kris nangayayat pa!

Parehong bailable ang dalawang kasong isinampa laban kay Nicko Falcis ni Kris Aquino na may kinalaman sa credit card fraud at estafa pero as of this writing ay hindi pa rin ito nagpapakita sa korte matapos siyang hainan ng dalawang warrants of arrest mula sa Taguig Regional Trial Court Branch 70 for credit card fraud at sa Branch 117 ng Taguig Metropolitan Trial Court for estafa.

Naghain ng motion for re-investigation ang kampo ni Nicko represented by his counsel na si Atty. Regidor Ponferrada but this was denied by the court dahil sa hindi pagsipot ni Nicko sa hearing.

Na-dismiss man ang qualified theft complaint laban kay Nicko sa Makati, Pasig at maging sa Taguig, may apat pa siyang kasong kakaharapin sa iba pang bahagi ng Metro Manila tulad ng Manila, Quezon City, Mandaluyong at San Juan.

Samantala, halatang malaki na rin ang inihulog ng katawan ni Kris at ito’y halata sa kanyang mga recent product endorsements.

Augusto Victa iki-cremate na

Ngayong umaga ng Biyernes, March 22 ang dating galing Los Angeles, California ng isa sa mga anak ng yumaong radio drama actor-turned TV and movie actor na si Augusto Victa na si Valen Victa para personal na asikasu­hin ang cremation ng kanyang na­ma­yapang ama bukas, Sabado sa ganap na ika-10 ng umaga sa Loyola Memorial Chapels ng Sucat, Parañaque.

Ang ‘Celebration of Life’ sa namayapa ay gaganapin din sa Loyola Memorial Cha­pels in Sucat, Parañaque sa darating na Linggo, March 23 sa ganap na ika-6:30 ng gabi pero bukas na ang chapel as early as 1 p.m. para sa mga kamag-anak, mga kaibigan at kakilala na gustong magpaalam at magbigay respeto  sa huling pagkakataon sa “Greatest radio drama actor of all time.” 

Sa siyam na anak ng yumao, tanging si Tyrone lamang ang hindi makakauwi dahil pinagbawalan itong magbiyahe ng mga doctor matapos itong masipa sa dibdib ng isang bayolenteng pasyente sa pinagta-trabahuhan nitong hospital dahil isang RN o registered nurse sa New Zealand si Tyrone.  Nangyari mismo ang paninipa ng pasyente kay Tyrone sa araw mismo ng pagkamatay ng kanilang ama.

Bukod kay Valen o Val, darating din ang iba pang anak ng yumao tulad nina Cherry, Irene, Sylvia, Theresa, May, Mike at half-sister nilang si Rowena.

vuukle comment

MAR ROXAS AND KORINA SANCHEZ-ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with