^

PSN Showbiz

Showbiz personality kinasuhan ng kasambahay ng pambubugbog!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Ayaw na sana ng estranged husband ni Sunshine Dizon na si Timothy Tan na palakihin pa ang isyu ng kasambahay niyang nagsumbong kay Raffy Tulfo dahil matagal na raw itong naayos.

Akala kasi ng karamihan siya ang tinutukoy ng iba sa kumakalat na blind item tungkol sa isang showbiz perso­nality na kinasuhan ng kanyang kasambahay.

Iba naman ang kuwento nito dahil may bugbugang involved.

Hindi na raw matagalan ng kasambahay ang pagmamalupit ng showbiz personality kaya nagdemanda na ito na isinampa sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Bago ito umakyat sa korte at pag-usapan sa publiko, nakipag-ayos na si showbiz personality sa nagdemandang kasambahay.

Malaki raw ang perang involved kaya pumayag na si kasambahay, at umuwi na ng probinsya. Ang perang ibinigay sa kanya ng dating amo ay sapat na para sa sisimulang negosyo sa kanyang lugar.

Natanggal man ang sakit, nawala man ang mga pasa, hinding-hindi makakalimutan ni kasambahay ang matinding pananakit na inabot niya sa dating among kilalang-kilala sa showbiz.

Sana hanggang dun na lang sa kasambahay na ito, at wala nang kasunod na reklamo laban sa kanya.

May ilan pa kasi kaming naririnig na kuwento kung paano niya tratuhin ang mga tauhan niya. Pero sana wala nang kasunod na demanda, at magsisilbing leksyon na itong ginawa ng dating kasambahay.

Mukha pa namang mabait itong si showbiz personality, pero makikita mo talaga ang tunay na kabaitan ng tao kung mabait ka rin sa mga taong mas mababa sa ‘yo.

Nora trip magdirek ng heavy drama 

May ilang listeners sa radio program namin ssa DZRH ang tuwang-tuwang nag-text sa amin na gustung-gusto nila ang ending ng Onanay na nagtapos nung nakaraang Biyernes, March 15.

Ang galing daw ni Nora Aunor na matagal ding pinag-usapan mula sa eksenang namatay ang asawa niyang ginampanan ni Gardo Versoza.

Hanggang ending ay puring-puri siya, kaya dapat may kasunod na raw agad ang GMA-7, sabi ng mga Noranians.

As of presstime, wala pang sagot sa akin ang ilang taga-GMA-7 sa tanong ko kung may nakaplano na bang kasunod na drama series para sa Superstar.

Pero sabi ng ilang taong malapit kay Nora, may inaayos daw ngayon na isang heavy drama movie na baka siya na mismo ang magdidirek.

Sinubukan naman noon ni Ate Guy na magdirek pero light lang na pelikula, at sobrang tagal na nun.

Ngayon kaya ay puwedeng-puwede na siyang magdirek ng isang pelikulang siya rin ang magbibida?

May magandang kuwento raw na gustong i-produce ng kaibigang producer ni Nora, pero hindi pa raw nila ma-finalize dahil OA daw ang hinihinging presyo ng writer nito.

Pero iyun daw ang gustong gawin ni Ate Guy, at dito masusubukan kung kaya na ba niyang magdirek.

Anak ni Melanie ayaw munang maging beauty queen!

Nilinaw ni Arnold Vegafria ng ALV Films na hindi raw summer campaign ng La Union ang gagawin nilang pelikulang G! LU! o Go! La Union!

Wala raw silang nakausap na LGU ng La Union para sa pelikulang ito. Pero kung gusto raw nilang tumulong, mas okay daw sana.

Gusto lang daw nilang gawin ito dahil may magagandang lugar daw doon na puwedeng i-explore bukod sa Boracay.

Gustung-gusto lang ng bagong director na si Philip King ng Rein Entertainment ang material kaya nakipag-co-produce siya sa ALV kasama ang Benchingko Films.

Tampok sa pelikulang ito ang mga kilalang hunks na karamihan mga alaga ng ALV kabilang sina Kiko Estrada, Enzo Pineda, Teejay Marquez, David Licauco, at Kapuso hunks din na sina Ruru Madrid at Derrick Monasterio. Ipakikilala rin dito ang mga beauty queens at models nila na sina Chanel Morales, Katrina Rodriguez, Michelle Dee, Thia Tomalla, Kimi Mugford at Sophia Senoron.

Si Michelle Dee ay anak ni Melanie Marquez kay Derrick Dee, at ang buong akala namin sumali ito sa Binibining Pilipinas.

Isa siya sa hinintay sa screening nung nakaraang Lunes, pero hindi siya sumipot. Dumating si Melanie, pero hindi ang anak niya ang dala kundi ang pamangkin niyang si Julia Saubier.

Sabi ni Michelle, hindi pa raw time niya kaya ang pinsan muna niya ang inuna. “It’s just actually, it’s not the right time for me, and my career right now.

“Obviously, if I’ll join I’m wanna be at 110 percent. So, I’m not disappointed.

“Career-wise it’s not the right time,” pakli ni Michelle nang naka­tsikahan namin sa storycon nga nitong pelikulang G! LU!

Pag dumating daw ang tamang time para sa beauty pageant, itotodo na raw niya.

vuukle comment

SUNSHINE DIZON

TIMOTHY TAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with