^

PSN Showbiz

Piolo Pascual ayaw nang mag-teleserye, mas gustong mag-aral sa italy

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Piolo Pascual ayaw nang mag-teleserye, mas gustong mag-aral sa italy
Piolo

Muling sinabi ni Piolo Pascual na hindi na talaga siya gagawa ng soap.

“I’m old for that. I’m not old, old but, you know, I’ve done more than a dozen soaps, I’ve been in the business for 20 years. I’ve become a producer and there are so many things that we can work on, and acting-wise, endorsement-wise, I still have my hands full.

“So, that’s something that…I don’t enjoy doing anymore. I don’t want to be stuck in a set.

“It’s hard. I mean. I don’t want to take it away from somebody else, but it’s not something that I wanna pursue for now anymore, yeah,” pahayag ni Piolo sa contract-signing niya sa AMA Online Education na ginanap sa AMA building, Quezon City kamakalawa ng hapon.

Kaya malabo nang magsama sila ni Judy Ann Santos sa isang teleserye. Pero puwede naman sa movies, kaya lang wala pa raw nakaplano.

Meron daw siyang gagawin sa Star Cinema na isang reunion movie, pero hindi lang niya puwede pang i-share sa ngayon. Pero marami pa puwedeng pagkaabalahan si Piolo. Magpu-focus siya sa kanyang film production, kaya nga nakatakda silang umalis ni direk Joyce Bernal sa Florence, Italy para mag-aral doon na may kinalaman sa film production.

Bukod pa diyan, magiging active rin si Piolo sa isa niyang advocacy na may kinalaman sa education.

Sa tulong ng AMA, madadagdagan pa siya ng mga scholars na maipagpatuloy ang pagka-college.

May mga napa-graduate na kasi siya sa High School, at puwede na raw silang makatuloy sa college dahil sa tulong ng AMA Online Education.

Teddy suportado ng Showtime

Suportado ng mga taga-It’s Showtime ang premiere night ng Regal movie na Papa Pogi na ginanap sa Cinema 6 ng Trinoma nung Lunes, March 18 ng gabi.

Dumalo sina Karylle kasama ang asawang si Yael Yuzon, Vhong Navarro, Ryan Bang, Nicole Cordoves, at ilang miyembro ng Hashtag na suporta nila para kay Teddy Corpus na kasama nila sa said show.

Kinukuwento naman ni Teddy na nung simula pa lang sa promo ng pelikula, all-out na raw ang suporta ng mga taga-Showtime. Sa social media pa lang daw ay tulung-tulong na sina Vice Ganda, Anne Cur­tis, Vhong na sa pagti-tweet para ma-promote na ang pelikula.

Bukod kay Teddy, willing din daw tumulong sa promo si Coco Martin para kay Donna Cariaga na leading lady ni Teddy sa pelikulang ito.“Nagulat po ako kasi siya (Coco) po mismo nagtanong sa akin,” kuwento ni Donna.

Minsan daw sa taping nila sa Ang Probinsyano, si Coco raw mismo ang nagtanong sa kanya at kung libre raw ang schedule niya, baka puwede siya pumunta sa premiere night.

Pero taping day ng teleserye niya nung nakaraang Lunes, kaya hindi nakadalo si Coco.

Sa totoo lang, si Lassy ang isa sa nakakatawa sa pelikula, at ang napansin pa namin doon sa premiere night, hindi lumabas ng sinehan ang mga security guards dahil tawang-tawa sila sa pelikula.

Mukhang wagi sa masa ang ang patawa ni direk Alex Calleja sa pelikulang ito.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with