^

PSN Showbiz

Ogie Alcasid, 3 ang ka-tie sa best actor

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Ogie Alcasid, 3 ang ka-tie sa best actor
Ogie

Kung nakuha man ni Ina Raymundo ang pagiging Best Actress sa isang international film festival para sa pelikula na pinagbidahan ni Ogie Alcasid, ang Kuya Wes, hindi naman naging luhaan ang singer-composer at actor sa pelikula na isa rin siya sa nag-prod­yus, dahil pinagkalooban din siya ng Best Actor ng Gawad Pasado para sa nasabing pelikula. Yun lamang, hindi niya nasolo ang award dahil kasama niyang napiling Best Actor sina Paulo Avelino para sa Kasal, Allen Dizon para sa Bomba at Eddie Garcia sa Rainbow’s Sunset. 

Yes, napaka-generous ng Gawad Pasado para apat silang pagkalooban ng pagkilala. Tatlo naman ang pagkakalooban ng Best Actress, sina Bea Alonzo para sa Kasal, AiAi delas Alas sa School Service at Gloria Romero sa Rainbow’s Sunset.

 Best Director naman si Joel Lamangan para sa Rainbow’s Sunset at Best Supporting Actor for School Service.

 Ang Best Picture ay pinagwagian ng Kuya Wes, Rainbow’s Sunset, Kasal at Bomba.

Allen Dizon malapit nang maging ‘hall of famer’ 

Kapag nanalo pang muli next year si Allen Dizon ng Best Actor ay hall of famer na siya ng Gawad Pasado. Nauna na siyang nanalo sa Laurina, Magkakabaung, Iadya Mo Kami at Bomba. 

Sa Bomba pa lamang ay nakakawalong Best Actor na siya -- Warsaw Film Festival in Poland, Dhaka International Film Festival in Bangladesh, Sinag Maynila, Gawad Tanglaw, Urduja Heri­tage Awards, Facine 25 San Francisco USA at Gawad Pasado. 

Cristine Reyes??????? mabilis maka-move on!

Maraming projects si Cristine Reyes. Bukod sa pagiging isang mapaghiganting ina sa Maria na kung saan ay sumabak siya sa mga maaksyong eksena, kontrabida siya sa sisimulang serye sa umaga ng ABS-CBN at pamalit sa Playhouse na Nang Ngumiti Ang Langit. 

Leading lady din siya ni Xian Lim sa Untrue. Isang paraan kaya ito ng maganda at magaling na aktres para makabilis na maka-move on sa kanyang failed marriage?

Speaking of Nang Ngumiti Ang La­ngit malakas ang impact na ibinibigay ng bagong batang artistang babae na tampok sa bagong serye. Siya si Sophia Reola. Magaling siya na hindi naman nakapagtataka dahil produkto siya ng Goin’ Bulilit. Sa programa rin ito na pambata nagmula sila Jane Oineza, Kiray Celis, Julia Montes, Kathryn Bernardo, Miles Ocampo, Mutya Orquia, Clarence Delgado, Nash Aguas, Sharlene San Pedro at marami pang iba.

Personal…

Maligayang bati sa katoto sa panulat na si Jun Quitana sa pagkakahirang niya bilang 8th president ng Aliw Awards, the country’s only award giving body in live entertainment. Bukod sa pagiging isang entertainment writer, isa rin itong talent manager, PR man, show producer at concert director. Nakapag-direk na ito ng ilang palabas sa Ceasar’s Palace sa Las Vegas, Nevada, USA nung 80’s.

vuukle comment

OGIE ALCASID

PAULO AVELINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with