^

PSN Showbiz

Korean actor na si So Ji-Sub dapat tularan ng mga Pinoy actor!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Korean actor na si So Ji-Sub  dapat tularan ng mga Pinoy actor!
So Ji-Sub

Ang happy happy ng secretary ni Papa Juan Elizalde na si Benisa na binigyan ko ng tickets thru the kindness ni Mama Veana Fores sa fan meet ni So Ji-sub sa New Frontier Theatre noong Sabado.

Sa unahan daw ang upuan nila kaya nakapagpa-selfie pa sila kay So Ji-sub na sabi ni Lynette Baldivino ay napaka-pogi raw.

Nainis naman dahil sa inggit ang ibang fans na nakita raw nag-swimming si So Ji-sub sa Novotel swimming pool. Grabe to think na almost 40 years old na siya ha?

Cute na makita na marami pa rin ang fans na tumitili sa Korean actor na bumisita sa bansa natin, kahit hindi na siya teenager.

Dapat lang talaga na alagaan ng Pinoy stars ang kanilang katawan para manatiling in shape tulad ng Korean actors na habang tumatanda, lalo pang hinahangaan at dumarami ang fans.

The older you get, the better you look dapat. Some stars kasi kapag  patanda na sila, nagre-relax na  lang at hindi na alintana ang  kanilang mga hitsura kaya pang-mother at grandmother roles na lang.

Sabi nga, dapat may asim ka pa hanggang tumanda gaya ni So Ji-sub na kuwarenta na ang edad  pero may fan meeting pa rin, bongga!

Hihintayin ko pa rin ang pagdalaw ni Jo In-sung sa Pilipinas. Titili rin ako at babantayan ko siya sa swimming pool kapag naligo siya, keber ko ba.

Pero talagang pang-Jo In-sung lang yata ang beauty ko dahil sa tuwing tumatawag sa akin si Mama Veana para sabihin na special ang tickets namin nina Dolor Guevarra at Shirley Kuan dahil may greeting, photo op at frontrow ang seats na binigay niya sa amin.

Excited na ako dahil kahit pa nga si Lynette ang number one fan ni So Ji-sub, okey  na rin na sa dami nang dumating na Korean actors sa Maynila, si So Ji-sub ang watch ko dahil contemporary siya ni Jo In-sung at magkasama sila sa Bali.

So sige na nga watch ko na ang bida ng Oh My Venus pero I woke up noong Sabado na mataas ang blood sugar ko at medyo mataas din ang blood pressure kaya dapat na magpahinga muna para huwag mahilo o sumakit ang katawan.

Sayang ang special treatment ni Mama Veana for me kaya ang solusyon ko dahil love si So Ji-sub ng secretary ni Papa Juan Elizalde na si Benisa, give ko na lang sa kanya ang ticket ko.

vuukle comment

SO JI-SUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with