^

PSN Showbiz

‘Mas masarap magbasa sa papel’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
�Mas masarap magbasa sa papel�
Lolit at Cristy

Parang surreal Salve ha na 33 years na pala ang Pilipino Star NGAYON. Ima­gine mo na sinasabi ng marami na balewala na ang print media pero iba pa rin iyong hawak mo ang hard copy ng diyaryo kesa binabasa mo iyong news sa phone o sa laptop.

Ewan ko, hindi ko ma-feel iyong hindi ko hawak iyon diyaryo, ang sarap ng hawak mo iyong papel at naamoy mo pa ang ink o tinta.

Siguro nga old soul ako at old-fashioned ang taste but whatever you say, for 33 years ay tinangkilik ng masa ang pagbabasa ng PSN na kung mag-asawa ay may anak nang binata o dalaga ngayon. Hahaha.

Cute noh, sana naisip natin mag-adopt nung nagsimula ang diyaryo natin para ngayon ay nakikita natin ang paglaki nila.

For those years na binigyan namin kayo ng news, entertainment, at iba ibang balita sa lahat ng sektor ng society, gusto namin magpasalamat dear readers.

Sa  followers ko sa Instagram, please, diyaryo ang basahin n’yo, at lagi niyong suportahan ang PSN na hindi kumpleto ang aking araw hangga’t hindi ko nababasa.

Thank you po!

‘Friends are a gift from God’

Ang yabang ko Mama Salve. Ang pinakamayaman sa buong Pilipinas na si Sen. Manny Villar ay feel kong love ako. Nag-text sa akin si Alice Eduardo, at kinilig ako nang sabihin ni Susan Co ng S&R at Puregold na nagsindi siya ng candle sa Our Lady of Manaog para sa akin. Nariyan ang everyday caller ko na si Mang Erning Lim ng Ultramega. Feeling nasa circle of friends ako nila Cris Roque ng Kamiseta, Rhea Tan ng Beutiderm, Aileen Go ng Megasoft, at Vanni Patillas ng Ivi Meth.

Love naman ako ni Vicki Belo at Rubby Coyiuto, at sobra akong spoiled kay papa Toby Tiangco at Albee Benitez. ‘Di ko na ime-mention ang mga alaga ko dahil siyempre, family ko na sila pero iyon mga taong hindi ko akalain will treat me as a friend kahit luka-luka at gaga ako, so touching for me.

Sabi ko nga, friends are gift from God, talagang bibigyan ka niya ng mga tao na makakatulong sa growth mo, sa pagiging complete mo.

Imagine, kahit di ko pa nakikita in person, feeling ko ay best friend ko na sina Terrence at Pia Romeo. At along the way God gave me Mother Lily Monteverde and Manay Ichu Maceda to help me in my showbiz career as writer and manager.

Mga taong ni hindi mo naisip na magiging close sa iyo, aalagaan ka, at ituturing na kaibigan.

Awesome. Overwhelming.

Hindi talaga maabot ng utak ko at hindi makaya ng puso ko ang gratitude sa kanila. From my humble beginning, from where I came from, to where I am now, overflowing gratitude and love talaga ang puwede ko lang ibigay. Thank you. Salamat. I love you Lord. 

vuukle comment

PILIPINO STAR NGAYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with